Chapter 69

32.9K 808 22
                                    

ANNA

"Fix yourself. Aalis na kayo ngayong gabi." Napatigil ako sa pag-iyak.

Tiningnan ko siya.

"Stand up Anna. Pumasok ka na sa loob at kuhanin ang gamit nyo. Ako na ang magtatakas sa inyo." Sabi niya.

Dali-dali naman akong tumango at pumasok sa loob ng kuwarto. Nagpalit ako agad ng damit. Kinuha ko ang bonnet ng dalawa at sinoot sa kanila. Hinila ko agad ang maleta namin.

Binuksan ko ang pinto.

"Thomas..."

"Are you done?" Tumango ako.

Lumingon naman siya sa pintuan ni Lucifer.

"Lumabas na kayo. He's already sleeping." Sabi niya.

Kinuha niya ang maleta namin tsaka siya naunang bumaba.

Napatigil ako sa may hagdan at pinagmasdan ang buong mansyon.

Ma-mimiss ko ang mga katulong lalo na si Mina.

"Anna let's go." Sabi ni Thomas.

Pumasok agad kami sa sasakyan niya.

"Saan mo kami dadalhin Thomas?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ko ang pinsan mo. Si Brent Colley." Sagot niya.

"Si Brent? Kailan mo pa siya naka-usap?"

"Kanina ko siya naka-usap. Planado ko na kanina ang pag-alis nyo. Niyaya ko si Lucifer na uminom para madali ko kayong ma-itakas." Sabi niya.

"Lasing ka?" Tanong ko.

"Not really. Nakapag-seatbelt na kayo?" I nod.

"Then let's go." Pinaandar niya na ang sasakyan.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Heto at tinulungan niya kami para makaalis.

🍼🔱

"Wake up Anna, we're here." Gising sa'kin ni Thomas.

Inilibot ko ang mga mata ko. Huminto kami sa isang restaurant.

"Bumaba na kayo ng mga bata." Utos niya.

Inalis ko ang seatbelt at bumaba na. Inayos ko ang pagbuhat sa kambal. Dala naman ni Thomas ang maleta namin. Sinusundan ko lang siya hanggang sa makapasok na kami sa loob. Nakita ko agad si Brent at papa. Tumayo sila agad at sinalubong ako.

"Anak!"

"Anna!"

"Papa..." Lumapit ako agad sa aking ama at yumakap.

Sa sobrang saya ko ay napa-iyak ako.

"Papa..." Pinunasan ni papa ang luha ko.

"Nasaan ang hayop na 'yon?!" Pinigilan ko agad si papa.

"Papa, wala siya. Iniwan na namin siya."

Nagulat ako ng biglang kinuwelyuhan niya si Thomas.

"Papa!"

"Calm down sir." Sagot ni Thomas.

"Anong ginawa nyo sa anak ko at sa mga apo ko?! Ha?!"

"Papa..."

"I'm sorry sir."

"Sorry?! Matapos nyong kidnappin ang anak ko at mga apo ko?! Ipapakulong ko kayo—"

"Papa!" Inalis ko ang kamay niya.

"Papa, hayaan nyo na po siya. Tinulungan nyo po kaming maka-takas. Kaya please papa, kumalma po kayo." Huminga siya ng malalim.

Umupo muna kami lahat. Kinuha ni Brent si Casper.

"Anong ginawa sa inyo ng demonyong 'yon Anna? Pati ng lalaking 'to?" Tanong ni Brent.

Tumingin naman ako kay Thomas na tahimik lang at walang ka-emo-emosyon sa mukha.

"Brent... H—hindi pa 'ko handang magkuwento. Mamaya na lang pag-uwi sa bahay. Pagod pa 'ko..." Sabi ko.

"I have to go Anna." Paalam ni Thomas.

Tumayo naman siya kaya tumayo din ako.

"Sige. Sasamahan kita sa labas—"

"Anna! Hayaan mo na ang lalaking 'yan!"

"May itatanong ako sa kanya papa. Kaya hayaan nyo po muna ako saglit. M—mabait naman po si Thomas."

Narinig ko naman ang pag-ngisi ni Thomas.

🍼🔱

"Thomas... Maraming salamat." Sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya.

"It's okay."

"Uh... B—bakit mo 'ko tinulungan?" Hindi niya muna ko agad sinagot.

"I just wanted to help you. Hindi ko masasabi na mabuti akong tao Anna. Pero may awa ako."

"N—naaawa ka sa'min?"

"Yeah. That's why I helped you."

"Salamat. Hindi ko akalain na ikaw pa ang tutulong sa'min."

Huminto siya at humarap sa'kin.

"This is just a small thing, Anna."

"No, malaking tulong ang ginawa mo dahil magigising masaya na ulit ako." Sabi ko.

Pinagmasdan niya lang ako.

"Uh, Thomas..."

"Why?"

"Kung magtanong sa'yo si Lucifer tungkol sa mga nangyari at kung ano ang totoo? Sasabihin mo ba lahat sa kanya?"

He was silenced for a while.

"I will."

"Pero kaibigan ka niya diba? Kaya mong mag-sinungaling sa kanya."

"I admit that I'm a bad person, but I'm not a prevaricator to tolerate his actions."

Kita ko ang sinseridad sa sinabi niya.

"S—salamat kung ganon."

"Ako na ang bahala kay Lucifer."

"Wait."

"Why?"

"Si Mina..."

"What about her?"

"Paki-sabi, salamat. Ma-mimiss ko siya, sila lahat. Pwede bang pakisabi na lang?" Sabi ko.

He simply nodded.

"Salamat ulit..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon