Chapter 18

62.4K 1.6K 19
                                    

ANNA

Katatapos ko lang maglinis ng marinig ko ang iyak ni Jasper mula sa kuwarto. Sinilip ko muna si Casper na naglalaro sa sala kung saan nandoon ang mga laruan nila. Pumasok ako sa kuwarto at kinuha si Jasper.

Tumahimik ito pagkakuha ko.

"Wow, behave agad ang baby ko. Are you hungry huh, baby?" Tanong ko dito.
Sumubsob ito sa'kin. Napangiti naman ako. Ang sarap sa feeling kapag ganito si Jasper sakin. Jasper is sweet. Ngumi-ngiti ito sa'kin kapag tinititigan ko. Pero, umiiyak ito agad kapag nawawala ako. Kaya nga tama nga siguro si Brent na bantayan ko muna sila.

Lumabas na kami ng kuwarto.

Nilapag ko muna ito sa sala kasama ang kapatid niya.

Pagkatayo ko ay napatingin ako sa pintuan. Para kasing may nagbubukas doon. Lumapit ako at hinintay na bumukas 'yon.

May naiwan ba si Brent?

Kami lang naman dalawa ang nakakaalam ng password ng unit.

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto ng biglang bumukas ito.

Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagkagulat ko ng husto.

Anong ginagawa niya dito?!

"Lucifer..." Napaatras ako.

"It's nice to see you again Anna. May I come in?" Nakatitig lang ako sa kanya habang hindi ako makapaniwala na nandito siya unit no Brent. Pano niya nalaman ang password?

"Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na nandito kami? Paano ka nakapasok?" I asked him.

Ngumisi siya sa'kin at humakbang palapit sa puwesto ko tsaka sinarado ang pinto.

"Lumabas ka Lucifer."

"Why Anna? Am I not welcome here? I'm a visitor." Napatawa ako.

Visitor? Nagpapatawa ba siya? Bwisita!

"Oo, hindi ka talaga welcome dito. Kaya umalis ka na." Sabi ko at tinulak siya pero mabilis niyang nakuha ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Is this how you treat your visitor Anna?"

Nagpumiglas ako pero mas inilapit niya ang mukha niya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Lucifer..."

"Where are they?" Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Bakit ko ba nararamdaman 'to ulit? Ayoko na. Dahil ayoko ng maulit ang mga nangyari noon. Ngayon ko pa nga lang kinakalimutan ang lahat pero heto siya ngayon at nanggugulo.

"Anna."

"Bitiwan mo 'ko."

"No. Unless you say to me where are my twins." Buong lakas na humiwalay ako sa kanya.

"MY twins Lucifer. They're only mine." Pero parang hindi ito naapektuhan sa sinabi ko dahil ngumisi lang siya sakin.

"We made them Anna. Don't be selfish." Kahit kailan talaga ay napaka-gago niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin pa 'yon sakin.

"Akin sila Lucifer. Oo nga at tayong dalawa ang may gawa sa kanila, pero sakin lang sila. You're just part of my past Lucifer. At hindi ka na bahagi ng buhay namin ngayon. Lalo na ng kambal. We're happy. Nabuhay ko sila ng wala ka. Kaya, kaya namin kahit wala ka." I said.

Humakbang ito palapit sakin.

"I don't care Anna. I want to see my twins." I shook my head.

"No, I'll not let you! Kaya umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng security—hmp!" I was shocked when he kissed me.

Ilang segundo akong natulala sa nangyari bago ko siya naitulak.

"Bastos!"

"I know Anna. I'm a devil, remember? So, where are my twins—"

"Mum-mum." Napatingin ako sa likuran ni Lucifer ng makita ko doon si Casper na nakahawak sa binti niya habang nakadapa ito.

"Casper..."

"Da-da!" Tila natuod si Lucifer dahil hindi ito makagalaw.

Nakatingin lang ito kay Casper habang nakatitig ito sa kanya at tumatawa.

Oh, god Casper!

"A—Anna. He's..." Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako dahil parang biglang umamo ang mukha niya. But I love the scene. Kahit muhing-muhi ako kay Lucifer pero sa nakikita ko, parang lumambot bigla ang puso ko.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon