Chapter 13

61K 1.5K 24
                                    

LANNA

"L—Lucifer..." Kinakabahan na sambit ko habang pabalik-balik ito sa harapan ko.

Nakauwi na kami dito sa condo niya. Matapos umalis nina Anna ay agad kaming umuwi. Balak niya pa sana na sundan ang mga ito pero hindi na din ito tumuloy.

"Damn it!" Nagulat ako ng binato nito ang vase.

Napatingin ako sa paligid. Sobrang kalat dahil halos lahat ng mahawakan niya ay inihahagis niya. And I'm scared right now.

"Tell me." Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod ito sakin.

"L—Lucifer..." Dahan dahan itong humarap sakin. Galit na galit ang mga mata nito na nakatitig sa'kin.

"Are you really Hannah?" Tanong niya sakin na nagpatigil sa tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay matutunaw ako. But no, hindi niya dapat malaman ang lahat. Hindi ko pa kaya.

"W—what are you saying Lucifer? I'm—"

"P*tangina! 'Wag mo na 'kong lokohin!" Napaatras ako sa pagsigaw niya sa'kin.

Natatakot ako.

"L—Lucifer..."

"Answer me. Is that guy, telling the truth?" Hindi ako nakasagot agad at tumitig sa kanya. Paano at mabilis niyang nalaman na nagsisinungaling ako sa kanya?

"L—Lucifer—"

"Will you please stop it?! Just answer me!" Napaatras ako ulit at napatango.

If I'll lie again, tiyak na mapapatay niya 'ko. I knew him. He's a devil.

Natahimik ang paligid.

"Fuck you." He uttered.

Napapikit ako.

"I—I'm sorry..." Naramdaman ko ang paglapit nito sa'kin at biglang hinablot ang braso ko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Ngayon lang kami nagkasama matapos ang ilang taon. Lagi lang kasi kaming nag-uusap sa Skype o minsan naman na dinadalaw niya 'ko sa New York. Pero dalawang beses lang 'yon. Busy din kasi ako at parang nakokonsensya ako kapag nakikita ko si Lucifer. Alam ko din ang mga dinanas ng kakambal ko mula sa kanya. Naaawa ako sa kakambal ko at pinagsisisihan ko ang lahat. Ng dahil sa'kin, nasira ang buhay niya. Pero, masisisi ko ba ang sarili ko? Minahal ko lang naman ang lalaking 'to.

"Why you lied to me huh?" He asked me.

"B—because I love you," I answered.

"Do you think I really love you? Si Hannah ka ba talaga?"

Hindi ako nakaimik at napayuko. He's right. I'm not ANNA.

"It's ANNA Lucifer, not HANNAH. Diba at magkaiba pa din 'yon?" I said.

Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"I love you Lucifer. Should we be happy?"

He smirked.

"You want us to be happy? Are you kidding me?"

"I've waited because I assumed you're really HANNAH. But damn it! She's already with me for f*cking 7 years!"

Nasaktan ako sa sinabi niya. I thought we'll be happy sa pagbabalik ko. Pero nagkamali ako. Dahil ang pagbabalik ko ay ang mismong araw ng pagbagsak ko. Thanks to Brent!

"And you hurt that girl! My twin! Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka pa niya? That's impossible Lucifer! Dahil hinding-hindi niya 'yon gagawin. I know her, ayaw na ayaw niyang nasasaktan siya." I said.

Tumawa ito at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa braso ko. Napaigtad ako sa sakit.

"Really? Then why she stayed with me for more years?"

Pilit kong kumawala sa kanya.

"Bitiwan mo 'ko Lucifer."

"Answer me. Kung ayaw niyang masaktan, then why she stayed?!" Nakipagtitigan ako sa kanya.

Bakit nga ba parehas kaming umibig sa lalaking 'to? He's a monster.

"I—I don't know." Sagot ko.

Anna is a masochist. Paano niya nakaya na mahalin ang lalaking ito sa loob ng pitong taon? Masuwerte pa 'ko at ito lang ang unang beses na sinaktan niya 'ko. Di tulad ni Anna na halos lahat ay naranasan niya. Kaya tanggap ko na kung galit na galit si Lucifer sa'kin dahil sa ginawa kong panloloko sa kanya. Dahil simula ngayon, alam ko ng mawawala na talaga siya sa'kin.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon