ANNA
"Malapit na tayo. Kaya pa ba?" Tumingin sa'kin
si Janna."Oo." Sagot ko.
Napatingn ako sa relo ko. 3 oras na kaming nakapila at susunod na kami.
"Dalawa na lang at tayo na. Gusto mo ikaw na ang mauna sa'kin?" Tanong sakin ni Janna.
"Wag na. Mauna ka na."
"Hindi. Ikaw na ang mauna. Namumutla ka na eh." Kinuha ko ang salamin sa bag ko.
"Oo nga." Maputla na ang labi ko at parang dehydrated na ang itsura ko.
"May tubig ka bang dala?" Nag aalala na tanong sa'kin ni Janna. Tumango naman ako at kinuha ang tumbler ko sa bag ko at ininom 'yon.
"May dala akong lipstick. Maglagay ka ulit." Sabay kuha niya ng lipstick sa bag niya at inabot sa'kin.
"Salamat." Naglagay ako ng kaunti sa labi at sinipat ang sarili ko sa salamin.
"Mauna ka na sa'kin. Para hintayin mo na lang ako at para makapagpahinga ka doon." Sabay turo niya sa bench.
Tumango na lang ako.
"Sige." Pinauna niya na 'ko sa pila.
Umusad ulit ang pila at ang nasa unahan ko na ang susunod. Hindi ako mapakali dahil ilang saglit lamang ay ako na ang susunod na papasok sa loob. Ilang minuto lamang ay pinapasok na sa loob ang babaeng nasa unahan ko, ngunit lumabas din agad ito at halata sa mukha nito ang pagkadismaya.
Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Maya maya pa ay may lumabas na babae. Ang sexy niya at ang ganda. Kaso mukhang mataray.
"Give me your resume." Sabi ng babae sa'kin pagkalabas nito.
Binigay ko naman ang brown envelope na kanina ko pa hawak.
"You're shaking." Puna niya sa'kin. Ngumiti na lamang ako.
Sobra kasi talaga ang kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga ano mang oras ay aatras na ako. First time ko mag-apply sa trabaho. Dahil pagkatapos ko maka-graduate noon, ay kay Lucifer ako agad nagtrabaho. Kaya wala pa akong karanasan sa ganito.
"Wait." Sabi ng babae at pumasok ulit sa loob.
"Go, Anna! Kaya mo 'yan." Tapik sa'kin ni Janna.
"Salamat." Buti pa itong kasama ko, walang kaba. Samantalang ako ay nanlalamig na.
"Ms. Colley, pumasok ka na sa loob." Sabi ng babae.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Good luck...
Pag-cheer ko sa sarili ko.
Ng makapasok ako ay biglang sinarado ng babae ang pinto kaya nagulat ako. Napalingon ako sa pinto at napahawak ako sa dibdib ko.
🍼🔱
"Sit down." Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na 'yon.
That voice...
Hindi naman ako nananaginip diba?
Hindi ako lumingon kahit gusto kong harapin ang nagsalita at para masabi kong hindi siya ang narinig ko.
"Ms. Colley. Aren't you going to face me?" Napalunok ako.
It's him. It's Lucifer. The guy who destroyed me years ago. The father of my twins. The devil.
I swallowed.
"I—I'm... I'm leaving." Pinihit ko ang doorknob ng pinto pero naka-lock ito.
"It's locked. So you better sit here and let's start the interview." Utos niya.
Pero nanatili pa din akong nakatalikod.
"Anna." Nanindig ang balahibo ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. I wish I am just dreaming.
"Anna."
"Anna!"
Minulat ko ang mga mata ko.
"Lucifer..."
"Finally, you talked. Come here, Anna. Let's start."
![](https://img.wattpad.com/cover/98767240-288-k548431.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Misterio / SuspensoThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...