ANNA
Napatingin ako sa mga fast food chain na nasa paligid namin. May KFC, Jollibee, McDonald's, Chowking, Mang Inasal, at kung ano ano pa.
"Ang hirap pumili." Napatawa si Brent.
"Ano? Saan tayo? Treat ko na." Napatingin ako sa kanya.
"Brent-"
"Ako na."
"Nakakahiya na sa'yo."
"Sus wala 'yon! Di ka na nasanay sa'kin. Parang 'di naman tayo magpinsan niyan eh." Napatawa naman ako.
"Uy, gusto din kumain ni kulit." Sabi nito kay Casper na nilalaro ang paa niya.
"Kaso 'di kayo pwede doon. Baka mainggit lang kayo. Kaya iiwan muna namin kayo ni kuya mo. Ayos lang ba 'yon ha, Casper?" Nahampas ko siya sa braso. Loko talaga ang isang 'to!
"Brent! Baka umiyak 'yan." Sobrang lakas pa naman umiyak ni Casper at mahirap patigilin. Iiyak ka muna bago mo mapatigil sa pag-iyak.
Proven and tested na 'yon ng minsan itong pinaiyak ni Janna.
"Joke lang!" Sabi nito.
"Tara na nga. Gutom na 'ko." Tumayo na kami at siya ang nagtulak ng stroller ng kambal.
🍼🔱
"Teka lang Anna ah. Magc-cr lang ako." Paalam ni Brent samin. Katatapos lang namin kumain at nagpahinga saglit bago umuwi.
"Sige."
Sinilip ko ang kambal. Tulog na ang mga ito.
"A-Anna?" Napahinto ako ng marinig ko ang boses na 'yon.
Tama ba 'ko ng rinig?
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kambal ko. Ibang iba na ang itsura niya at 'di na kami masyadong magkahawig. Sophisticated na ang itsura nito.
"Lanna..."
Hindi niya alam kung lalapit siya sakin o hindi. Pero nakangiti ito sa'kin.
"Y-you're here... Sinong kasama mo? I missed you." Nakatayo pa din siya sa harapan ko. Hindi man lang ba niya 'ko yayakapin?
Oh, may kasalanan nga pala siya sa'kin.
"N-namiss din kita. Kamusta? Masarap ba ang buhay sa New York?" Tanong ko. Nawala ang ngiti nito sa labi. Sabi kasi ni papa ay nasa New York sila ni tita.
"It's good. Si papa? Kamusta?"
"He's okay. Gusto mo ba siyang makita?" Tanong ko.
"Uh... Sorry, but not now. Nagmamadali kasi ako."
"Why? Ngayon lang tayo nagkita." Sabi ko. I know, that she's hiding something from me.
"I know, but I'm in a hurry." May kinuha ito sa bag niya.
It's a calling card.
"Call me when you get home. At pupunta ako sa inyo. Nagmamadali lang kasi talaga 'ko-"
"Babe you're here. I thought-Anna?" Nanigas ang buong katawan ko ng makita ko si Lucifer.
Magkasama sila?
"What a small world. Trash over here?" Naikuyom ko ang kamao 'ko. I want to punch him. Really.
"Lucifer!" Singit ni Lanna.
"Why babe? Did you know that this woman said she's your twin? I don't believe so... You're more beautiful and sexier than her." Sabi nito sa kambal ko sabay hapit sa bewang nito.
Gusto-gusto ko sila sugurin.
"Lucifer..."
"Let's go. We're going late-"
"Lanna?" Brent came out.
Namutla si Lanna ng makita si Brent. What a scene.
"B-Brent?"
"Yes, it's me! Nandito ka na pala? Kailan ka pa umuwi? Naks naman, nagkita na ang kambal. Did you know that ANNA misses you so much?" Napatingin ako kay Brent. I knew it. Sinadya niya talaga 'to. He's playing with it.
"I-I..."
"How are you-oh, who's this guy? Your boyfriend?" Tanong nito kay Lucifer na naguguluhan sa mga nangyayari.
"Y-yes he's my..." Tumingin muna ito sa'min.
"Boyfriend."
Brent chuckles.
"Oh, nice. So, how's it going? Masaya ba ang mang-agaw?"
"Brent!"
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...