Chapter 21

59.4K 1.1K 12
                                    

ANNA

"Bes naman! Bakit kailangan nyo pang umalis?" Pangungulit sakin ni Janna habang nag-eempake ako ng mga damit namin. Bukas na ang alis namin papuntang America.

Huminto ako saglit tsaka humarap sa kanya. Nakaupo ito sa kama ko. Tinawagan ko kasi siya kagabi na pumunta dito sa bahay para naman makapag-bonding kami.

"Lalayo kami sa ama ng mga anak ko." Sagot ko.

Napatigil siya.

"Huh? Bakit?"

Huminga ako ng malalim tyaka tumabi sa kanya.

"Pumunta siya dito noong isang araw. Tapos gusto niyang kuhanin ang kambal sakin. Nalaman 'yon ni Brent kaya pina-ayos niya agad ang mga papeles namin papuntang America." Paliwanag ko sa kanya.

"Ay bwisit!" Napangiti na lang ako sa reaksyon niya.

"Ano nga ulit pangalan non?"

"Nino?"

"Yung gagong ama ng mga anak mo."

Tumayo ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit.

"Lucifer Madrid." Sagot ko.

"Lucifer? Ay, demonyo 'yon ah!"

Napatigil ako sa pag-iimpake.

Demonyo nga.

Di na lang ako sumagot at hinayaan siya na magpatuloy sa pagsasalita.

"Kaya pala! Lucifer ba naman eh. So ano pang nangyari? 'Yon lang ang gusto niya? Ang makuha ang kambal?"

"Oo."

Umalis ito sa kama ko at umupo sa tabi ko.

"Sa tingin mo? Yung kambal lang ba talaga ang gusto niyang makuha?" Dumikit siya sakin.

"O pati ikaw?" Napatigil ako pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

"Ano?"

Dumikit pa siya lalo sakin.

"Alam mo, nakakapagtaka lang na bigla bigla siyang sumulpot matapos ang ilang taon. Di kaya, matagal na kayong sinusundan ng gagong 'yon?" Kumunot ang noo ko.

Kami? Matagal niya ng sinusundan?

"Imposible 'yon Janna. Ngayon niya lang nakilala at nakita ang kambal. Kung matagal niya na kaming sinusundan, eh di sana noon pa niya kinuha ang mga anak ko."

Tumango siya tyaka bahagya lumayo sakin. Nag-indian seat ito sa harap ko.

"Oo nga 'no. Pero malay mo, hindi lang ang kambal ang habol niya."

Napatingin ako ulit sa kanya.

"Anna, baka ikaw din."

"A-Anong ako?"

"Feeling ko, balak ka din niyang kuhanin."

"I did not go here for you. I went here for twins."

Napatawa ako ng mapakla ng maalala ko ang mga sinabi ni Lucifer sakin noong nanggulo siya.

"Wala akong pakialam kung sino ang pakay niya sa'min. Dahil hinding hindi ko ibibigay ang kambal at mas lalo na ang sarili ko. Tama na ang mga sakit na dinanas ko noon sa kanya." Sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Janna. Malungkot itong ngumiti sakin.

"Pasensya na Anna."

"Ayos lang 'yon. Basta hindi ako papayag kung ano man ang plano niya." Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit namin.

"Tama lang siguro na pumunta kayo sa America. Kahit ayoko kasi ma-mimiss kita." Napatawa naman ako.

"Ano ka ba! Makakapag-usap pa din naman tayo." Sagot ko.

"Oo na! Bwisit kasi 'yang Lucifer na 'yan eh. Epal!" Napatawa na lang kami pareho.

Nagpapasalamat ako at nakilala ko ang tulad ni Janna.

*Ding Dong*

Napatigil kami sa pagtawa ng may mag-door bell.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sino 'yon?" Tanong niya.

"Hindi ko alam."

"May bisita ka ba?"

Umiling ako.

Bisita? Wala naman na 'kong inaasahan na bibisita. Hindi naman na makakabalik si Lucifer dito dahil naka-report na siya. Nakadalaw na din si papa noong isang araw kaya wala akong inaasahan na bisita bukod kay Janna.

"Teka, titingnan ko." Tumayo ito at pumunta sa pinto.

Iniligay ko ang mga natitirang damit sa maleta tyaka sinara.

"Anna."

Napalingon ako ng makita ko si Janna sa may bungad ng kuwarto.

"Sino raw?"

"May impakta kang bisita."

Kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Lanna daw bes! Kambal mo!"

Napatayo ako bigla.

"Si Lanna?"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon