ANNA
"Mommy! Mommy!" Tawag ni Casper habang tumatakbo siya palapit sa'kin.
May dala-dala itong paper bag ng Jollibe.
Kanino naman galing?
"Bakit anak?"
"Mommy, tita Mina is here!"
"Nasaan?"
"Hi! Ate Anna!" Napa-ngiti ako ng makita ko siya.
May dala itong bouquet at kung ano-ano pa.
"Mommy, ang dami kong fries!" Sabay dukot ni Casper ng isang fries.
Napatawa naman ako.
"Marami ba yan? Eh isa lang 'yan eh."
"Nandito mommy sa loob 'yong iba!" I pinch his nose.
"Oo na." Binalingan ko si Mina sabay yakap ko sa kanya.
"Buti naman at napadalaw ka. Ang dami mo namang dala." Sabi ko.
Tumawa naman siya.
"Oo nga po eh. Utos po kasi sa'kin 'to ni sir Nick."
"Lahat 'yan?"
"Yes, ate Anna! Nag-luto po si nanay Susan para sa inyo. And, flowers for you raw po sabi ni sir. Yes naman!" Napatawa na lang ako pagka-abot niya sa'kin ng bouquet.
"Ilapag mo na 'yan sa mesa doon sa kusina. Kainin na natin."
"Ay gusto ko 'yan ate!" Lumakad na siya papunta doon.
Binalingan ko naman si Casper na panay ang dukot ng fries sa paper bag.
"Casper."
"Yes, mommy?"
"Ang kuya Jasper mo nasaan?" Tumingin lang siya sa'kin.
"Nasaan?" Tanong ko ulit.
"Bakit po mommy?"
"Bigyan mo ang kapatid mo. Share kayo dyan. Umakyat ka sa kuwarto tapos doon nyo na lang 'yan kainin. 'Wag kayong magkakalat ah?"
Naka-titig lang siya sa'kin.
"Casper? Narinig mo ba 'ko?"
"Mommy."
"Oh bakit?"
Tumingin siya sa paper bag na hawak niya sabay yakap doon.
"Mommy, pwede pong quiet na lang tayo?"
Kumunot ang noo ko.
"Bakit naman?"
Lumapit siya sa'kin.
"Eh kasi mommy, kapag po nag-share kami ni kuya Jasper, lugi ako."
"Lugi? Bakit?"
"Mommy kasi, matakaw po 'yon! Kunwari 'di niya favorite tapos inuubos niya po!" Napatawa naman ako dahil sa pagre-reklamo nito.
Ayaw talaga ni Casper na nauubusan siya lalo na kapag gustong-gusto niya. Katulad ng fries. Pero pansin ko na mas malakas kumain si Jasper sa kanilang dalawa.
"Ikaw talaga. Hayaan mo na si kuya mo. Tsaka, bad ang hindi mag-share ng pagkain. Para sa inyong dalawa naman 'yan. Sige ka, gusto mo bang magalit sa'yo si lolo Andrei nyo?" Sabi ko.
Ngumuso ito sa'kin.
Aw, that's cute!
"Wala naman po dito si lolo eh. Nagwo-work po siya." Sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...