ANNA
"Oh, ito, juice." Nilapag ni Janna ang baso sa harapan ko.
May mga dala siyang pagkain. Kasama namin ang kambal na busy sa pagkain ng biscuit.
"Hoy Anna, kanina ka pa tulala." Napalingon naman ako sa kanya.
Ano bang nangyayari sa'kin? Kanina pa ko ganito.
"S—sorry..." Kinuha ko ang juice na tinimpla niya at uminom.
"Saan ba kayo nanggaling?" Tanong niya ulit.
"Janna, kanina pa nga kami nasa labas. Hinihintay ka nga namin." Kumunot ang noo niya.
"Huh? Eh, bakit 'di ko kayo napansin? Tsaka sa tapat naman mismo ng bahay nyo 'ko bumaba."
"Nasa tapat lang kami kaya pagbaba mo, makikita mo kami agad."
"Huh?! Eh, anong nangyari sa'kin? Ano 'yon, dinedma ko kayo? Pero hindi eh! Wala talaga. Di ko kayo napansin. Baka naman nagka-salisihan tayo." Sabi niya. Napa-isip naman ako. Imposible ang sinasabi niya dahil nauna kami ni Jasper.
"May kausap akong matanda kanina. Hindi mo ba siya nakita?" Sabi ko.
Kumunot ang noo niya.
"Matanda?"
"Oo. Kausap ko siya habang naghihintay kami sa'yo."
"Ano ba 'yan. Hindi kita maintindiham. Hindi ko nga kayo nakita tapos 'yong matanda pa kaya. Kumain ka na ba Anna? Agang-aga naloloka ako sa'yo!"
Paano nangyari na 'di niya kami nakita? Napaka-imposible! Ang weird talaga ng nangyari. Sumasakit ang ulo ko!
"Alam mo Anna, move on na nga. Hayaan mo na 'yon. Basta, nandito na 'ko." Sabi ni Janna.
Napa-hinga na lang ako ng malalim. Kalimutan ko na nga 'yon!
"So kamusta? Marami kang i-kukuwento sa'kin!"
Napatawa naman ako.
"Marami talaga."
🍼🔱
3rd PERSON POV
Kanina pa sumasakit ang ulo ni Lucifer. Parang itong binibiyak sa sobrang sakit.
"S—sir ayos lang po kayo?" Napatigil si Ligaya sa paglilinis ng mapansin niya ang amo na sinasabunutan ang sarili.
Hindi siya pinansin nito.
"Sir?"
"Argh! Damn this headache!" Nataranta si Ligaya at tumakbo sa may kusina.
"Uy tingnan nyo si sir! Masakit daw ang ulo niya. Sinasabunutan niya ang sarili niya doon." Napatigil naman sa ginagawa si nanay Susan.
"Kuhanin mo ang gamot niya doon sa itaas! Jusmiyo itong babaitang 'to!" Nataranta na si nanay Susan at pinuntahan si Lucifer.
Naabutan niya ito na nakasandal sa may sofa at hinihilot ang ulo.
"Argh. Ang sakit..." Daing nito.
"Ser, ano pong nangyayari sa inyo? Alin po ang masakit?" Tanong niya sa amo.
"Ah! Damn it! Ang sakit ng ulo ko! Argh!"
Hindi alam ni nanay Susan ang gagawin.
"T—teka lang ho at pinakuha ko na kay Ligaya ang gamot nyo."
"Argh!" Sinabunutan nito ulit ang sarili.
Kahit may sama siya ng loob sa amo dahil sa ginawa nito ay naaawa siya. Binatilyo pa lamang ito ay siya na ang nag-alaga dito. Lola's boy ito at mahal na mahal ang amo niyang si ma'am Hera. Hindi niya lang talaga maintindihan ang ugali nito minsan. Mabait naman ito sa kanya. Kaya nga lang ay mainitin ang ulo."Sir ito na po ang gamot nyo."
"Kumuha ka ng tubig." Utos ni nanay Susan kay Ligaya. Tumakbo agad ito sa may kusina.
Sina Mina, Lyndell at Lucia naman ay nanonood lamang sa isang tabi. Wala kasing lakas ng loob ang mga ito na harapin minsan si Lucifer. Natatakot sila. Simula kasi ng magka-amnesia ito, ay bumalik ang takot nila sa amo. Hinihiling na nga nila na sana ay maalala nito ang pagbabago niya noong nandito ang ma-iina.
Dumating agad si Ligaya at inabot ang tubig.
"Ito ser, uminom na ho kayo nito." Umayos ng upo si Lucifer at ininom ang mga gamot niya.
Napapadalas na ang pag-sakit ng ulo niya.
"Iwan nyo na 'ko. I'm fine." Sabi nito at sumandal muli sa sofa.
Umalis naman ang matanda at bumalik na lahat sa kusina.
Ipinikit niya ang mga mata. Medyo kumikirot pa din ang ulo niya.
"L—Lucifer..."
"I—I'm sorry..."
"B—because I love you."
"It's ANNA Lucifer, not HANNAH.
Diba at magkaiba pa din 'yon?"Napadilat siya.
"What are you saying, Hannah? Why you're saying sorry?"
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...