3rd PERSON POV
Galit na galit si Lucifer sa sarili niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela habang minamaneho ang sariling sasakyan.
"Talagang lalayas na kami! At hinding-hindi mo na makikita ang mga anak MO!"
"Pagod na 'ko Lucifer. Pagod na 'ko!"
"Ang g*go mo! Ang g*go mo Lucifer! Argh!" Sinabunutan niya ang sarili.
Naiinis siya sa mga nangyari at sa mga ginawa niya kay Anna. Sa babaeng tunay niya palang mahal. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Parang wala ng silbi ang buhay niya ngayon. Hindi na siya mapapatawad pa ni Anna.
Pinaharurot niya ang sasakyan at umuwi agad.
Pagkapasok niya sa mansyon ay sinalubong agad siya ng mga katulong.
"G—good evening po sir. Kumain na po kayo..."
"Ni-lock nyo ba ang kuwarto ng nila?" Tanong niya.
Nagulat ang mga ito at hindi naka-sagot agad sa kanya.
"A—ah, opo sir."
"Give me the keys. Doon ako matutulog ngayon." Napa-nga nga ang mga katulong at nagka-tinginan.
Ngumiti ang mga ito sa isa't-isa lalo na si Mina na ang lawak ng ngiti kahit nasampal ng amo nila.
"Nakikinig ba kayo sa'kin? Sabi ko, give me the keys!" Nataranta ang mga ito at nagsi-kilos lahat.
Napa-iling na lang si Lucifer.
My maids are such weirdos tsk.
Maya-maya pa ay inabot na sa kanya ang susi at umakyat na agad siya kuwarto.
🍼🔱
"Ate Ligaya, pakurot nga 'ko. Baka kasi nananaginip lang ako eh." Sabi ni Mina habang naka-tingin sa taas.
"Ate Ligaya, pakurot bilis—aray!" Napaigtad siya ng si nanay Susan ang kumurot sa kanya.
Ang sakit!
"Nay naman?! Ang sakit!" Reklamo niya habang hinihimas ang braso niya.
"Hala sige! Bumalik na tayo lahat sa kusina!" Utos nito.
Hindi naman nakaligtas kay Mina ang pasimpleng pag-ngiti ng matanda.
🍼🔱
Pinagmamasdan ni Lucifer ang buong kuwarto kung saan tumuloy ang mag-iina niya. Naiwan dito ang feeding bottles, stuff toys, at crib ng kambal. Pati ang mga ilang damit ng mga ito.
Malungkot siyang napa-ngiti. Totoo nga. Nasa huli ang pagsisisi. Nagpadala siya sa galit at emosyon. Kaya ang ending, nawala ang mga ito. Wala kasi siyang kontrol sa sarili.
Umupo siya sa kama. Rumehistro bigla sa utak niya ang takot na takot na Anna habang yakap-yakap nito ang kambal at nakasiksik sa kama. Kung paano ito umiwas sa kanya.
She was really scared at that time.
Pabagsak na humiga siya sa kama. Ipinatong niya ang braso sa kanyang noo sabay hinga ng malalim.
"Once you've found out the truth. You lost me, forever..."
"I—I can't... I'm sorry..." Sagot niya sa isang alaala na minsang bumalot sa kanya ng takot.
🍼🔱
ANNA
"Anna, kamusta 'yung matanda na pumupunta dito." Tanong ni papa.
Napatigil ako sa pagkain.
"Okay naman po papa."
Tumango ito.
"Alam mo na ba ang pangalan niya?"
"Ayaw pa din po niyang sabihin eh."
Kumunot ang noo ni papa.
"Bakit? Isang linggo na siyang bumibisita dito. Kaya dapat lang na alam mo na ang pangalan niya." Binaba nito ang kubyertos. "Anak, hindi naman sa sinasabi ko na 'wag mo ng patuluyin ang matandang 'yon. Gusto ko lang na safe kayo ng mga apo ko. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Baka mamaya, may masamang mangyari. Tapos wala tayong mahahagilap na kahit anong impormasyon, maski pangalan wala. Pero 'wag naman sana mangayari ang naiisip ko."
"Papa..."
Napatingin ako kay papa. May point naman siya. Ang kaso lang kasi, ayaw pa din sabihin ng matanda ang pangalan niya. Nahihiya din kasi ako minsan kahit gustong-gusto ko n malaman.
"Alam ko po papa. Hayaan nyo po, sa susunod na pumunta siya ulit dito, tatanungin ko na. Kukulitin ko na po." Sabay tawa ko.
"Tama. Ganon nga ang gawin mo. At isa pa, dapat na doon lang kayo lagi sa sala. Huwag kang magpapa-akyat sa taas. Ha, anak?" Tumango naman ako.
"Opo papa..."
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...