ANNA
"Kamusta ka na ate Anna? Pati ang mga pamangkin ko? Grabe, totoo ba talaga na gising na si kuya?!" Excited na tanong niya.
Bumaba ako kanina para magtimpla ng gatas hanggang sa dumating si Lory at naabutan ako dito sa baba. Balak ko sana na sila na lang dalawa ng kuya niya ang magkaharap. Wala naman na 'kong magagawa dahil nandito na at magkakaharap na naman kami ng kuya niya.
"A—ayos lang kami Lory. Nasa itaas ang kambal." Sabi ko.
Ngumiti naman siya.
"Sige aakyat na lang ako mamaya sa kanila. Ang tagal naman bumaba ni kuya." She crossed her arms.
Kaming dalawa lang ang nandito sa sala.
Maya-maya pa ay bumaba na si Lucifer.
Napatayo agad si Lory at yumakap sa kuya niya.
"Oh god! Okay ka na nga! I missed you kuya!" Niyakap naman siya pabalik ni Lucifer.
"I missed you too Lory." Bumitaw na sila sa isa't-isa. "How's your ojt?"
Napatawa naman si Lory.
"Kuya naman! Graduate na 'ko, nagta-trabaho na 'ko ngayon."
"Oh, sorry."
"May amnesia ka kasi." He just smiled at her.
"Have you eaten? Nanay—"
"Katatapos ko lang kumain kuya. Maupo na nga tayo." Hinila niya ang kuya niya at pina-upo.
Nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi ako dapat nandito.
"Ah, Lory... Aakyat muna ako sa taas."
"Huh? But why? Dito ka na muna ate Anna! Ayaw mo bang makasama si kuya?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Lory, kasi ano..."
"Tsk, umakyat ka na taas. Hindi ka naman kailangan dito." Sabi ni Lucifer.
Napasinghap si Lory.
"Kuya?! Sira ka na ba?! Anong sinasabi mo kay ate Anna? Oh god, don't tell me... Bad ka na naman sa kanya?"
Bigla akong kinabahan. Walang alam si Lucifer na nai-kuwento ko ang pakiki-tungo niya sa'kin sa kapatid niya.
"What did you say, Lory?"
"Kuya naman, hindi porke't may amnesia ka, eh sasaktan mo na naman si ate Anna. Hindi mo alam ang mga ginawa niya habang comatose ka 'no. Tsaka isa pa, may mga anak na kayo. Ang cu-cute kaya nina Casper at Jasper. Hindi ka pa magiging mabait niyan?"
"Wala akong pakialam sa kanila! Lory, paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan? Nag-kuwento ba sa'yo ang babaeng 'to?" Sabay turo sa'kin ni Lucifer.
Napa-takip ng bibig si Lory dahil sa gulat.
Inalis nito ang pagkakatakip sa bibig niya at umiling.
"Kuya? Bakit ka ganyan sa mag-iina mo? You're supposed to change because you already have a family." Sabi ni Lory.
"Lory you don't understand!"
"I understand kuya! Ate Anna told me everything. 'Wag kang magalit sa kanya dahil ako ang nag-pumilit na i-kuwento ang lahat. She suffered a lot kuya. Paano mo nagawa 'yon sa kanya? Hindi mo ba alam ang paghihirap niya?"
Umiling si Lucifer.
"Her dad stole a billion of—"
"I know kuya! Alam ko na lahat. And she's already paid! Hindi pa ba sapat lahat para maging mabait ka na sa kanya?"
Hindi ako mapakali dahil sa sigawan nila. Pati ang mga katulong ay nanonood na sa'min. Si Thomas naman ay tahimik lang sa isang tabi.
"Lory, don't meddle—"
"No kuya!"
"Lory, pakiusap, 'wag kayong mag-away—" Biglang tumayo si Lucifer at hinablot ang braso ko.
"Kuya!"
"Kasalanan mo 'to! Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo!" Sobrang higpit ng pagkaka-hawak niya sa'kin.
"Lucifer, nasasaktan ako!"
"Kuya bitiwan mo siya ano ba!" Pilit na inaalis ni Lory ang kamay ng kuya niya.
Binitawan naman agad ako ni Lucifer at niyakap ako ni Lory."Lucifer, stop. You're hurting her." Sabi ni Thomas. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Why Thomas?! Pati ikaw ay nauto na ng babaeng 'yan?! Huh! Fine! Magsama-sama kayo! Go to hell—"
"Hindi ka rin pala naiiba kay daddy." Natigilan ito sa sinabi ni Lory.
"'Wag mo 'kong itulad sa kanya Lory. Iba ako sa kanya." Hinarap siya ng kapatid niya.
"No, you're not. Parehas kayong masama."
Umismid lang ito.
"I know Lory. But still, I'm different." Tumalikod ito sa'min.
"Thanks for visiting me, Lory." Tsaka ito umakyat sa taas at wala ng ibang sinabi. Padabog pa nitong sinarado ang pintuan niya sa kuwarto.
Humarap sa'kin si Lory.
"Are you okay ate Anna?"
"Okay na. Thank you Lory ha?"
Yumakap siya sa'kin.
"I'm sorry ate Anna."
Niyakap ko siya pabalik. Napatingin naman ako kay Thomas na naka-tingin sa'kin. Lumabas ito saglit.
Bumitaw na kami sa pagkaka-yakap.
Lumapit sina Mina at kinamusta ako. Niyakap nila ako lahat.
Sa kanila ko lang nararamdaman ang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...