Chapter 53

34.7K 776 52
                                    

LANNA

"Lucifer?!" Gulat na tanong ko ng makita ko siya sa harapan ko.

Tinanggal ko ang mask ko.

Paano nangyari 'to?!

Gulat na gulat ako.

"Who are you miss?—oh, you can see me too." He said.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Nananaginip ba 'ko?

"Diba ikaw ang dapat na tinatanong ko? Sino ka? At bakit ka nandito?"

"Eh ikaw, sino ka ba? Huh?" Napataas ang kilay ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo kung sino ako? Eh diba sabi mo kanina, alam mo na ang storya ko?" Tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin.

"Y—yeah... Alam ko!"

"Oh, sino ako?"

"Kambal ka ng kambal mo."

"Ano? 'Di mo kilala ang kambal ko? Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ko.

"Kararating ko lang kanina! Malay ko ba na maabutan kitang nagda-drama diyan. I hate drama you know."

"Pero nakinig ka pa din."

"Hindi ko sinasadya okay?! Bakit mo 'ko nakikita?" Tanong niya bigla sa'kin.

"Kasi may mata ako."

"Alam ko tanga. May third eye ka?"

I nodded.

"Sino ka ba talaga? Bakit hindi mo 'ko maalala Lucifer? May amnesia ka ba?" Napatawa ako bigla.

Oh, crap.

"Oh, malamang sa malamang hindi ikaw si Lucifer."

"What did you say?!"

"Sabi ko, hindi ikaw si Lucifer." Ngumisi siya.

"Paano mo naman nasabi?"

Pinagmasdan ko siya. Malakas ang pakiramdam ko na hindi talaga siya si Lucifer. Oo, magkamukha sila. Pero hindi siya ang totoo. At isa pa, may multo ba na may amnesia? Bata pa lang ako, nakakakita na 'ko. At alam ko lahat ang uri ng nagpapakita sa'kin. Noong college ako, nag-aral pa 'ko about sa mga nakikita ko. Isa ito sa mga bagay na hindi ko pina-paalam. Baka sabihin baliw pa 'ko.

"Hoy, magsalita ka nga! Anong hindi ako si Lucifer?"

Malayo pati sa ugali ni Lucifer. Oo, masungit at masama ang ugali ni Lucifer, pero iba pa din itong nasa harapan ko. Iba ang kilos. At galaw ng mga mata. At higit sa lahat...

Maingay.

"Sino ka? Ligaw na kaluluwa ka ba? Pero hindi naman nanggagaya ang kaluluwa. Nagpapakita lang sila kapag patay na. Astral body? No, you're not. Dahil naglalakbay lang sila sa iba't-ibang dimensions. Or kaya naman, may purpose. Engkanto? Hmm, I don't think so. Hindi naman mahaba ang tenga mo." Napahawak siya sa tenga niya.

"What the hell are you saying woman?!"

Napatawa ako. Unbelievable.

"Angel? Pero wala ka namang pak-pak, masama din—" Napatigil ako ng bigla siyang lumapit at masamang tiningnan ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Namumula ang mukha niya at nag-aapoy ang mata. Galit na galit siya.

And there's one thing that I realized...

"You're not a usual spirit. You're a bad spirit. A demon..." He stopped.

🍼🔱

ANNA

Tahimik lang akong naka-upo sa bench habang hinihintay si Lanna.

Bakit ang tagal naman niya?

Sinandal ko ang sarili ko at pinikit ang mata ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang lalagnatin yata ako.

Ilang minuto pa lang akong nakaka-idlip ng biglang may naramdaman akong tumabi sa'kin.

Hindi ko dinilat ang mga mata ko. Baka si Lanna lang siguro. Pagod na kasi ako. Gusto ko muna magpahinga.

Ilang segundo lamang ay may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko.

Lanna?

Hinayaan ko na lang siya.

Hindi ko pa talaga siya mapapatawad.

Maya-maya pa ay nawala na din. Ilang minuto akong ganon hanggang sa may tumawag na sa'kin.

"Anna." Binuksan ko ang mga mata ko. Nakatayo sa harapan ko si Lanna.

Ngumiti siya sa'kin.

"Sorry natagalan ako. Kalalabas ko lang pero naabutan kita na tulog. Naistorbo kita, sorry..."

Kumunot ang noo ko.

"K—kararating mo lang?"

She nodded.

"Oo. Bakit?"

Sino yung...

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon