ANNA
Totoo nga na babawi siya. Ilang araw na yata akong parang tanga na 'di makapaniwala sa mga nangyayari dito sa mansyon niya. Ang daming nagbago. Ang dami niyang binili na gamit para sa kambal. Nag-aaral siyang magluto, minsan nga ay pinaliguan niya ang kambal pero sa huli, humingi na siya ng tulong sa'kin dahil nahihirapan siya sa pagpapaligo. Ayaw niya naman na tulungan siya ng mga katulong. Sinigiwan niya pa ang isa sa mga katulong niya ng nagtangka itong hawakan ang kambal. Kaya ako na ang tumulong. Akala ko nga, papagalitan niya din ako. Pero hindi. Sinusundan niya lang ang ginagawa ko. Marami ang nabawasan sa mansyon, 'di na ito masyadong nakakatakot. Kuwento ni Mina, minsan lang daw dito pumunta si Lucifer. Ang lola daw nito ang may-ari nito at pinamana lang sa kanya. May sariling bahay si Lucifer, at doon ako noon nakatira. May condo din siya. Pero ang pasasalamat ko, nawala na ang mga kandila na kinatatakutan ko madalas. Bakit kasi may kandila? Mahilig ba siya doon? Ang weird. Pero si Casper, tuwang-tuwa kapag nakikita ang mga 'yon, iba't-iba kasi ang kulay kaya natutuwa siya. Turo ito ng turo.
"Mina, paki-baba naman ang sina Casper at Jasper." Utos ko dito. Nagtitiklop ako ng mga damit ng kambal.
"Sige po ma'am."
Tumayo ako at inayos ang crib ng dalawa. Wala si Lucifer dahil nasa company ito. Mabuti nga at 'di namin napag-usapan ang nga nangyari noong nag-apply kami ni Janna. Matapos ang mangyari noong isang araw, 'di na ito nasundan ng pag-uusap namin tungkol sa nakaraan. Casual lang kaming nag-uusap. Kapag may itatanong siya or may kailangan siya. Napapagod na din kasi ako. I'm trying... to deal with him. 'Yong tungkol sa kasal, hindi niya na 'yon binanggit pa. Humahanap din akong ng tyempo na make-usap si Brent para sabihin na ayos lang ang lagay namin. Gusto ko din siyang kamustahin dahil sa nangyari. Tiyak ako na nag-aalala na ang mga 'yon lalo na si papa. Si Lanna... May ideya ako na siya ang nagsabi kay Lucifer. Hindi pa din pala siya nagbabago.
"Oh, ito na ang mommy nyo." Napatingin ako kay Mina na buhat ang kambal.
"Thank you, Mina. Pakilagay sila sa crib." Sumunod naman ito.
"Ma'am tulungan ko na po kayong magtiklop."
"Okay. Wala ka bang gagawin?"
"Wala po ma'am. Lahat po kasi ng gawain ay okupado na nila lahat." Natawa naman ako.
"Sige, tulungan mo 'ko."
🍼🔱
"Gusto mo siya?" Gulat na tanong ko kay Mina.
Sinabi niya sa'kin na gusto niya ang kaibigan ni Lucifer, si Thomas. 'Yong lalaking blonde na nanuntok sa'kin. Humingi na siya ng tawad sa'kin. Nagawa niya lang daw 'yon dahil nainis siya kasi ayoko daw sumama. Tumango na lang ako. At least nag-sorry siya. Pero 'di pa din tama ang ginawa niya. Babae ako.
"Opo ma'am. Crush ko 'yon eh. Ang astig niya kasi." Kinikilig na sabi niya at niyakap pa ang damit ng kambal na tinitiklop niya.
"Sinaktan niya 'ko, Mina. 'Di malayong saktan ka din niya."
"May past po kayo?!"
"Huh? Wala 'no. I mean, sinaktan niya 'ko, physically. Bago kami dalhin dito."
Napatakip ito sa bibig niya.
"Hala! 'Di nga po? Bakit niya 'yon ginawa? Tinali na nga po nila kayo diba? Tapos sinaktan pa po nila." Sabi niya.
Ngumiti naman ako tsaka nagpatuloy sa pagtitiklop.
"Hindi kasi ako sumama sa kanila. Ayokong pumayag."
"Pero dapat 'di po niya 'yon ginawa sa inyo. Pero alam nyo po ma'am, bilib po ako sa inyo."
"Bakit?"
"Kasi ang tapang nyo po eh. Tiklop po si Sir Nick sa inyo eh."
"Huh? Hindi naman."
"Alam nyo po ma'am Anna. Simula ng dumating kayo dito sa bahay, marami na po ang nagbago. Pati na din po si Sir Nick. Lagi niya nga pong tinatanong ang kambal."
Napangiti naman ako. Alam ko naman na bumabawi talaga siya sa'min. I know he's trying kahit ganon pa din ang ugali niya minsan.
"Talaga?"
"Opo ma'am! Tsaka po sabi niya, 'wag daw po namin kayong paglilinisin or pakikilusin dito sa bahay. Kasi tatanggalin niya daw kami. Kaya ma'am, 'wag na po kayong mag-abala. Kaya naman po namin."
Napatawa naman ako. Hindi kasi ako sanay na di magkikilos. Pakiramdam ko magkakasakit ako.
"Kaya ko naman. Tutulong na lang siguro ako kapag wala siya."
"Hala ma'am! 'Wag na nga po."
"Mina. Kaya ko. Tsaka ayokong ma-bored."
"Basta ma'am 'wag kayong tatakas ah? Kasi ma'am, isa po 'yon sa utos niya. Na bantayan daw namin kayo."
Napatigil ako sinabi niya. Kaya siguro panay ang dikit sa'kin ng mga katulong.
"Pinagalitan nga niya po ako. Sabi niya 'wag daw po akong maglalapit sa inyo kasi baka i-grab nyo po ang opportunity na tumakas sa sobrang friendly ko." I gasped.
Ganon ba ang tingin sa'kin ni Lucifer?
"Mina, hindi ako tatakas. Tsaka 'wag mo 'kong lalayuan ha? Ikaw na nga lang ang nakaka-usap ko dito."
"Opo ma'am! Um-oo na nga lang po ako kay Sir. Pero sa isip ko, hindi ko po kayo iiwasan. Takas ka na ma'am?"
"Mina!"
"Joke lang ma'am!"
I smiled.
"Salamat Mina."
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...