Chapter 39

41.8K 1.1K 46
                                    

ANNA

"So ayun po ma'am Anna, lumaki po ako ng walang ama kasi 'yong tatay ko po nambabae—" Napatigil siya sa pagkukuwento ng tumunog ang cellphone niya.

"Teka lang po ma'am."

"Sige lang." Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Hello, ate Ligaya—oo, nandito pa kami, lowbat si ma'am Anna eh—hala?! Ano nangyari?!" Napatingin ako sa kanya.

Bigla akong inatake ng kaba dahil sa itsura ni Mina.

"Oo sige pupunta na kami dyan." Sagot nito tsaka binaba ang tawag.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ma'am si Jasper po ang taas ng lagnat sobra!" Napatayo ako bigla.

"Umuwi na tayo—"

"Pero wala pong magbabantay kay Sir Nick—"

"Don't worry Mina. May mga nurse naman na tumitingin sa kanya. Kailangan ako ng kambal."

"Opo Ma'am teka lang po." Sabay inubos niya ang natitirang pagkain niya.

"Tara na ma'am."

🍼🔱

Pagkapasok ko pa lamang sa mansyon ay nagkakagulo ang lahat ng katulong dahil iyak ng iyak si Jasper. Agad akong lumapit.

"Jasper!" Kinuha ko ito at binuhat.

Medyo mainit nga siya at ang pula-pula niya na.

"Ma'am Anna pasensya na po. Nagulat po kami kasi bigla po siyang umiyak. Nataranta po kami."

"Kanina pa ba siya nilalagnat?"

"Hindi naman po siya nilalagnat ma'am Anna kanina eh. Pero po nung iniwan namin sila sa kuwarto, kasi po tulog na sila, maya-maya po bigla na lang siyang umiyak tapos ang init niya." Paliwanag ni Ligaya.

Tumango naman ako. Tumigil na siya sa pag-iyak at nakasubsob sa'kin. Nakakapagtaka dahil biglang nawala ang init niya.

"O—okay na siya. Hindi na siya mainit." Hinawakan nila si Jasper.

"Oo nga 'no! Mabuti naman po ma'am Anna..." I smiled at them.

"Thank you ah?"

"Naku ma'am wala po 'yon!"

Niyakap ko ng mahigpit si Jasper.

"I'm here na baby... "

"Ang sweet nyo po ma'am Anna."

Ngumiti ako sa kanila habang pinapanood nila 'ko.

"I love them so much."

"Alam po namin ma'am. Parehas po kayo ni Sir Nick."

"Really?"

"Opo ma'am. Halata naman po na mahal na mahal ni Sir Nick ang dalawa."

I smiled. Kahit naman kasi ganon ang ugali ng lalaking 'yon, nakikita ko pa din na mahal niya ang mga bata. Kaya nga niya pilit na kinuha sa'kin ang kambal.

"Salamat sa inyo."

"Naku ma'am wala po 'yon!"

Napatingin ako sa paligid.

"Nasaan si Thomas? Gusto ko kasi sana na siya muna ang magbantay kay Sir nyo. Baka bukas na lang ako makakabalik kasi babantayan ko muna ang mga anak ko."

"Ay ma'am! Nasa kuwarto niya po. Tulog na po." Sabi ni Lucia.

"Ganon ba?"

"Ay, ma'am kumain na po ba kayo?"

"Oo katatapos lang. Kumain na kayo, i-aakyat ko lang si Jasper."

"Sige po ma'am."

🍼🔱

Pagkasarado ko ng pinto ay napatalon ako.

"Lucifer?! Anong ginagawa mo dito?"

He looked at me.

"So this is my room?" I nod.

Niyakap ko ng mas mahigpit ang anak ko. Napansin niya 'yon kaya kumunot ang noo niya.

"He's Jasper right?"

Naalala niya na ang kambal?

"No. I still don't remember them." Lumapit siya sa'min.

"Iharap mo siya sa'kin." Utos niya.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.

"I want to see him. Masama ba? Diba... Sabi mo, may anak tayo? And that's Casper. So, gusto kong makita si Jasper. Iharap mo siya sa'kin Anna." Tinitigan ko siya sabay lunok ko.

Hinarap ko sa kanya si Jasper na tulog na.

Nilapit niya ang mukha niya sa anak ko.

Maya-maya pa ay gumalaw si Jasper sabay dilat ng mata nito.

At nagulat ako sa ginawa nito. Inangat nito ang maliit niyang braso sabay turo at gustong hawakan si Lucifer.

I stunned because of what I am seeing.

"This child... He can see me too, huh?"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon