ANNA
Lahat ng mga tao ngayon sa mansyon ay abala sa paghahanda at paglilinis. Isang linggo na simula ng magising si Lucifer, at ngayon ang uwi niya. Si Thomas ang sumundo sa kanya. Hindi na 'ko nag-presinta pa na sumama dahil sa nangyari sa'min noon sa hospital.
"Sa oras na makalabas ako dito, sa akin ka. Aangkinin kita ulit. Naiintindihan mo ba?"
Hindi ko makalimutan ang sinabi niya sa'kin. Simula kasi ng sinabi niya 'yon, bigla na namang bumalik sa'kin ang lahat. Natatakot ako sa totoo lang. Dahil alam ko ang ibig-sabihin ng mga katagang binitawan niya. Gagawin na naman niya ang gusto niya. Pero 'di pa din ako papayag. Hindi ko na lang siya sinagot noon dahil tiyak na magagalit siya kapag sinabi kong hindi. Ng mga oras na 'yon, puro 'yon lang tumatakbo sa isipan ko. Iniisip ko sina Casper at Jasper. Paano na ang mga anak ko? Anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya na ang dalawa? Hindi ko naman sila pwedeng itago. Makikita at makikita sila ni Lucifer mamaya kapag dumating na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa loob ng isang linggo habang kasama ko siya, ganon pa din naman ang pakiki-tungo niya sa'kin. Masungit pa din siya at laging galit. Iniiwasan ko na lang maiyak minsan at isumbat sa kanya lahat ng dinanas ko habang comatose siya sa loob ng isang buwan. Katulad na lang ng may nangungulit sa'kin. Ang mga weird na nangyari na halos mabaliw na 'ko. Hanggang ngayon nga, 'di ko maiwasang hindi kilabutan. Nagpapasalamat ako sa diyos at 'di na siya muling nagpakita pa. Sino ba namang hindi matatakot diba? Kung alam ko lang, baka tumawag na 'ko ng pari noon at humingi ng tulong.
"Ma'am Anna..." Tawag sa'kin ni Mina.
Pumasok ito sa kuwarto.
"Bakit?"
"Hindi pa po kayo bababa?"
"N—nandyan na ba sila?" Tanong ko.
Umiling ito.
"Wala pa po. Kanina pa po kasi kayo nandito sa taas. Hindi po ba kayo na-bobored?" Tanong niya.
Ngumiti lang ako tsaka umiling. Naka-upo ako sa kama habang katabi ang dalawa kong anak. Tulog si Jasper pero gising naman si Casper. Nilalaro nito ang paa niya. Kanina ko pa sila binabantayan. Iniisip ko kung ano ang ipapaliwanag ko kapag nakita na ni Lucifer ang dalawa.
"Mamaya na lang siguro ako bababa. Kapag nandyan na sila. Kamusta sina nanay sa baba?" Tanong ko.
"Katatapos lang po nila mag-luto. Ma'am Anna, diba po... 'Di pa po alam ni Sir Nick ang tungkol kina Casper at Jasper? Paano po 'yan?"
Napa-hinga ako ng malalim at tiningnan ang dalawa.
"Bahala na siguro mamaya Mina."
"Bakit po 'di nyo pa po sinabi? Malay nyo po, bumait na siya kahit may amnesia pa po siya." Sabi ni Mina.
"A—ayoko kasing biglain siya."
"Po? Eh, diba po, mas mabibigla siya kapag nalaman niya mamaya?" Napatawa naman ako.
Alam ko naman mas mabibigla talaga si Lucifer. Pero noong nasa hospital kasi ako, hindi ako makahanap ng tyempo dahil mainit lagi ang ulo niya. Kaya nag-decide na 'ko na hindi na lang muna ipaalam.
"Alam naman natin na iilan lang ang naalala niya diba? Baka kasi, kung ano-ano ang sabihin niya sa'kin. Magulo pa lalo ang sitwasyon niya."
Tumango naman siya sa sinabi ko.
Maya-maya pa ay may kumatok na labas.
"Ma'am Anna baba na po kayo, nandyan na po si sir Nick!"
Nagkatinginan kami ni Mina.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...