ANNA
"She's my—"
"Sir, time is up." Napalingon kami sa babae na siguro ay secretary niya.
Humarap sa'kin si Lucifer.
"You better leave." Umiling ako.
"No! She's my twin! She's not Hannah! She's Lanna!" I let out.
Hinablot niya muli ang braso ko.
"Fuck you, Anna! Will you stop saying nonsense!" Napatigil ako.
Oh god. Bakit ako nagkakaganito? I thought I don't care anymore?
"I—I'm sorry. Forget it." Dali-dali akong lumabas.
"Anna, how's your—saan ka pupunta? Anna!" Sigaw ni Janna sakin ng dire- diretso akong umalis.
"Anna sandali!" Tawag niya.
"Anna!" Napahinto ako sa pagtakbo.
Iyak ako ng iyak. Ang sakit. Paano nangyari 'yon? Nagpanggap si Lanna na ako, habang wala ako? She betrayed me!
"Anna..."
"Bakit ka umiiyak?" Nasa harapan ko na si Janna. Napayakap ako sa kanya.
"Janna, please. Umalis na tayo dito. Please. I'm begging..."
"Pero—"
"Janna."
"Sige na nga! Uuwi na tayo. At i-kuwento mo sa'kin lahat."
🍼🔱
"Oh my god! Really?" Hindi makapaniwala na sabi ni Janna. Kinuwento ko lahat sa kanya. Lahat lahat.
"I didn't know that you suffered a lot." Hindi pa din siya makapaniwala sa mga kinuwento ko.
"That was my life 17 years ago Janna. Halos lahat ay naranasan ko." Sabi ko.
"Bumalik kayo dito sa Pilipinas noong dalaga ka na?" Tumango ako.
"Saktong 18 years old ako noong bumalik kami ni papa dito. Ang kaso, pagbalik namin, 'yon din ang araw na nakulong si papa dahil sa bilyon bilyon na ninakaw niya para may pampagamot ako sa ibang bansa. And on that day, Lucifer came to my life to ask me to pay my father's debt. And to be his servant." Napasinghap si Janna.
"Grabe. Eh, yung kambal mong impokrita? Nasaan na?" Napatingin ako kay Janna.
"Sorry, na-carried away lang."
"It's okay. Lanna is different compare to me. Hindi siya masaya kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kaya lagi siyang nakadikit kay tita. Kaya naging magka-ugali na din sila. Sakitin lang si Lanna. Samantalang ako, nagkaroon ng leukemia. Masayahin ako noon. Hindi ko iniinda ang mga nararamdaman ko. Hanggang sa 'di ko na kaya. Nasa kuwarto lang ako lagi. At 'yon din ang simula na hindi ko na nakakalaro si Lucifer noon. Kaya siguro nagpanggap si Lanna na ako dahil kung tutuusin ay may hawig kami. Tsaka pansin ko noon pa na may gusto siya kay Lucifer. Noong dinala ako sa America ay kinuha na siya ni tita Allison."
"Hay buhay. Tapos babalik na siya. And! Mahal siya ng demonyong 'yon!" Isa pa 'yon sa pinakamasakit.
"W—wala na 'kong pakialam sa kanila." Sabi ko.
"Tsk! Sobrang bait mo talaga!"
"Masaya na 'ko. I have papa and twins. Tsaka ikaw. Kaya masaya na 'ko." Pinilit kong ngumiti sa harapan niya.
But deep inside, it's killing me.
"Stop acting Anna. Alam kong 'di ka pa din masaya. You still love him." She said.
Pinigilan 'kong tumulo ang luha ko. Sino ba kasi ang niloloko ko?
"Tapos na 'yon Janna. Nakaya ko ng halos pitong taon. Kakayanin ko pa para sa mga anak ko."
"Ikaw na ang martyr Anna! Jusko!"
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...