dedic to lhili @nicole_ry @TheGreatSuperMon
C O U R N E Y ' S P O V
Simula nung makita ko si Daven na sinalubong ng ambulansya ay tila ba nakalutang na lang ako. Walang gana kumain. Wala ding gana matulog kahit na tila ba pagod na pagod ako sa kakaisip kung okay lang ba sya.
Baka naman kasi hindi ako ang ina-update. Sino ba naman ako? Hindi naman nya ako totoong girlfriend.
Tila ba ako'y mababaliw na sa kakaisip kay Daven. Kada tutunog ang cellphone ko umaasa ako na si Daven na ang tumatawag. Umaasa din ako na sabihin nya na nasa magandang kalagayan naman sya ngunit lumipas ang isang araw na wala man lang syang paramdam kaya mas tumitindi ang pag-aalala ko.
Madami pa naman ang napapabalitang pumapanaw dahil sa sakit na covid. Sana ay hindi sya mapabilang sa mga yun. Minsan nga ay naiisip ko na sana hindi na lang si Daven. Sana ay ako na lang.
Paano kung bigla na lang mawala si Daven? Paano na? Paano na ako?
Minsan sumasagi sa isip ko na malaman ko lang okay na sya, ipagtatapat ko na ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Hindi ko na idedeny pa ang nararamdaman ko. Ayoko na mawala sya.
Habang lumilipas ang araw ay matinding panalangin din ang ginagawa ko, minsan ay natatanong ko 'Bakit yung mga mababait na tao pa?'
Masaya ang lahat dahil lalabas na si Gela sa hospital. She's a survivor now. Masaya ako na nalagpasan nya ang dagok sa buhay na 'to. Sana ay ganun din si Drake at Daven. Minsan naiisip ko n asana ay prank lang ni Daven itong nangyayari ngunit tila imposible. Napakawalang kwentang prank naman nun.
Bigla naman na tumawag si Gela. Umiiyak.
Tila ba lumambot ang aking mga tuhod ng marinig ko ang sinabi ni Gela. Yung kabog ng dibdib ko ay napakabilis.
Bakit hindi mo sinabi sa akin?
"Sis okay ka lang ba dyan?" tanong pa ni Scar sa akin.
Gusto ng isip ko na tumakbo kung nasaan mang hospital si Daven pero yung katawan ko hindi ko maigalaw. Gulat na lang ako nang makita ko si Scar na pumasok na sa pinto.
Yakap-yakap nya ako.
"He will be okay." Alo nya pa sa akin.
"Gusto ko syang puntahan." Sabi ko sa kanya.
"Hindi pwede. Hindi ka din naman papayagan na pumunta sa hospital. Mahigpit ngayon Sis. Malakas si Daven alam kong kaya nya yan." Sabi nya sa akin.
Dinala nya ako sa kwarto nila ni Botchok para din siguro makita nya kung ano ang ginagawa ko. Takot siguro sya na lumabas ako at puntahan ko si Daven. Pilit kong nililibang ang sarili ko pero wala okupado talaga ni Daven ang isip ko.
Kinabukasan, ramdam ko ang excitement ni Scar dahil ngayon na ang laya namin. Ngayon din ang laya ni Drake. Masaya ako para sa kanya. Para sa kanilang dalawa. Para sa pamilya nila.
*kring
Ayun na siguro ang tawag ni Drake.
"Bakit kaya unknown number?" tanong ni Scar.
Iniloudspeaker nya pa para marinig ko din kung sino ang nasa kabilang linya.
"Hello." Boses ng lalaki.
"Hello po. Sino po ito?" tanong ni Scar.
"Daddy nyo ito..." sabi nung nasa kabilang linya.
"Bakit ibang number po ang gamit nyo?" tanong pa ni Scar.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...