wanhandred por

7 1 0
                                        


D R A K E ' S  P O V

Nabalitaan namin na kinuha ng ambulansya si Kuya at dadalhin din sa isang ospital upang obserbahan din ang kanyang kalagayan.

Sobra ang pag-aalala ko sa kanya. Parehas kami hikain ni Kuya pero alam ko na mas malakas ako sa kanya. Maging sila Mommy at Daddy ay nag-aalala din sa kanya.

Si Courtney bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Hindi na nga namin maka-usap ng maayos. Marahil ay okupadong okupado ni Kuya ang pag-iisip ni Courtney. Sana ay ako din. Sana alalahanin din nila ako ng ganun.

Nagpaalam na agad ako sa kanila dahil nilalamon ako ng pag-aalala at lungkot.

Naiinggit din ako. Nung ako yung isinugod sa hospital ay hindi ganoon ang reaksyon nila. Alam kong hindi tama na mainggit pa sa ganitong panahon.

*Ehem ehem ehem

Bakit ba kasi hindi na lang mawala agad ang sakit na 'to.

Ilang araw na lang sana. Lalaya na ako sa apat na sulok na kwarto na ito. Ngunit yung saya na nararamdaman ko habang papalapit ang 14 days ay tila nabawasan dahil kay Kuya. Pakiramdam o ay umulit ako ulit sa umpisa.

Lagi talagang huli sa uso itong si Kuya. Natawa naman ako sa naisip ko na yun.

Tumawag naman sa akin si Scarlet. Kinamusta ko sya. Sinabihan sya na wag pabayaan ang sarili dahil sya ang nasa tabi ng anak namin. Gusto ko syang pasalamatan sa walang sawa na pag-aalaga sa anak namin pero ayoko na maging cheesy.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya matapos kausapin ang nurse.

"Mahal na kita." sabi nya sabay baba ng tawag.

Ha? Anong sabi nya? Mahal na nya ako?

Bakit?

Bakit ganun? Bakit bigla nya na lang binaba ang tawag.

Agad akong tumawag sa kanya, ngunit hindi nya sinagot.

Totoo ba yung sinabi nya? O trip nya lang yun? O sinasabi nya lang yun dahil sa sitwasyon ko ngayon. Nababasa nya ba ang isip ko.

Inulit ko pa ang pagtawag sa kanya pero hindi nya na yun sinagot.

Hmmm.. bakit umaasa ako na sana ay totoo. Sana hindi lang trip.

Sana ay may magmahal ulit sa akin.

Kahit nakapikit ako ay tila ba naglalakbay ang isip ko. Iniisip ko kung totoo ba yung sinasabi ni Scar. Kung totoo ay excited na akong lumabas dito at iparamdam sa kanya ang gusto kong iparamdam sa kanya.

Nag-message na lang ako sa kanya.

| Salamat at umamin ka din. Hinihintay lang kita eh. Salamat sa pagmamahal mo sa amin ni Botchok. Masusuklian ko din yang pagmamahal mo paglabas ko dito. I love you too Scarlet. |
Natatawa pa ako nung sinend ko yun. Panigurado ay sisinghal na naman yun.

Masaya ako nakatulog at masaya ata akong gigising bukas.

Kinabukasan.

Excited ako. Naligo agad ako at excited na ako sagutin kung sinuman ang tatawag sa cellphone ko ngayon.

Dapat pogi ako lalo na pag tumawag na si Scar. Para mas maconvince sya na tama ang desisyon nya sa buhay. Hahaha.

At ayun na nga, nag-group videocall na sila.

"Oh kumusta kayo?" Tanong ni Kai sa aming lahat.

"Okay naman. Excited na akong lumabas. Dalawang araw na lang tapos na ang quarantine ko." Masaya kong sabi sa kanila.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon