---
Courtney's PoV
"Hey Couz, samahan mo naman ako sa mall. Bili lang tayo ng pang outfit natin mamaya para sa graduation party ni Papa Daven." Yaya sa akin ni Kai.
Oo excited sya, samantalang ako nagdadalawang isip pa kung pupunta dun sa party na yun. Hindi ko alam pero parang nahihiya ako.
Nahihiya na ako humarap kay Daven simula nung umamin ako sa kanya na gusto ko sya. Ang shunga shunga ko naman kasi bakit ba kasi umamin ako agad.
At saka panigurado nandun na naman si Mona para awayin ako. Wala din akong damit na susuotin para dun sa event na yun. Bakit kasi pormal pormalan pa ehh.
Hindi na talaga ako pupunta dun. Papasama na lang ako mag gala kay Sam.
From: Drake
Courtney punta kayo mamaya ah. See yah later.
Nagtext pa talaga.
To: Drake
Baka hindi ako makapunta, wala din akong damit na susuotin. Enjoy na lang kayo later.
Palusot ko na lang sa kanya, pero ayoko talaga pumunta.
"Sam, samahan daw natin 'tong babaeng 'to bumili ng gown para mamaya." Sabi ko.
"Maka gown ka naman Couz."
"Ikaw? Hindi ka bibili?" Tanong sa akin ni Sam.
"Hindi. Sasayangin ko lang pera ko dun. Hindi naman ako pupunta ehh."
"Ayyy nako Couz! Napaka KJ mo ahh. Minsan lang yun ohh."
--
Habang busy si Kai maghanap ng dress na gagamitin nya. Kinausap ko naman si Sam.
"Samahan mo na lang ako mag gala mamaya Beh."
"Pumunta ka na kasi sa party nya, wag ka na magjinarts dyan. Pumili ka na din ng damit na susuotin mo."
"Iiih ayoko. Aawayin lang ako ni Mona dun at saka wala akong mukhang maihaharap sa kanya after ko umamin sa kanya tapos sya wala naman pala talagang feeling sa kin. Sakit kaya nun."
"Mas talo ka Beh pag hindi ka pumunta pakita mo sa kanya na hindi ka din seryoso sa sinabi mo nung gabing lasing kayo."
May point naman sya pero eehhh. Nahihiya talaga ako ehh.
"Ehhh ayoko talaga. Gagastos pa ako ng damit para lang sa graduation nya."
"Sasapukin kita. Napakakuripot mo."
"Ehh totoo naman kesa ipambili ko nyan, ipapapadala ko na lang kay Mama."
Oo kuripot talaga ako. Kung bibili man ako ng damit hindi sa mall. Sa tyangge na lang o kaya sa ukay ukay. Mas magaganda pa.
"Sumama ka na or else."
"What?"
"F.O"
"F.O??"
"Friendship Over."
Agad agad? Dahil lang sa party na yun F.O na agad??
"Grabe ka naman. Eh hindi mo kasi ako naiintindihan. Hirap akong harapin sya. Nasan na ang dignidad ko nun."
"Edi magpapanggap ako na nanliligaw sayo. Kaya sumama ka na. Magtatampo din sayo si Kai pag hindi ka pumunta."
--
Pag-uwi namin sa dorm, may nag-iintay sa lounge area. Delivery boy sya na may dalang malaking box.
"Ayan si Courtney." Sabi ng landlady namin.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...