Dedicated to backspaceshift 😉😉
--
Courtney's PoV
Nasaan nga kaya yung lalaking yun?? Bakit kahit kapatid nya hindi alam kung nasaan sya?
Naisip ko nung wala sya sa proposal nila Kai at Badj. Hindi naman pwede na wala sya dun dahil sya ang bestfriend ni Badj.
Halaaaaa! Premonitions na ba yung mga sinasabi nya sa akin nung magkasama kami.
Geesshh. Nakakatakot.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo Couz." Bati naman sa akin ni Kai nung kami na lang dalawa. Yung iba naming kaibigan busy.
"Ahh... Hindi naman malalim. Nakakapagtaka lang kasi bakit wala si Drake."
"Hmmm malakas na ang tama mo Couz ahh." Pang-aasar pa ni Kai.
"Hindi Couz. Yung last time kasi na magkasama kami kung anu-ano sinasabi nya. Mamimiss nya daw ako. Wag ko daw sya makakalimutan. Masaya daw sya na napasaya nya ako. Mga ganern."
"Hala baka namamaalam na yun nasaan na kaya yung lalaking yun? Pero girlah wag muna yun ang intindihin mo. Hangga't hindi ka pa sure sa nararamdaman mo, bantayan mo din muna si Daven. Look oh." Sabi nya sa akin at sabay turo kay Daven at Scarlet.
Ewan ko ba pero parang nanggigil yung kalamnan ko. Parang gusto kong ipagdamot si Daven pero wala naman akong karapatan. Bakit ba ako ganito ngayon? Timer na ba ako ngayon? Nagmamahal nga ba ako ng dalawang tao? And worst magkapatid pa.
"Huuuy ano?! Tatayo ka lang dyan?" Tanong pa sa akin ni Kai.
Eh ano bang gagawin ko?
"Ano bang gagawin ko? Sasampalin si Scar? Eh wala naman akong karapatan kay Daven. Hindi ko naman sya boyfriend." Namomroblema kong sagot.
"Hahaha. Don't keep distance dahil kapag may distansya maaring merong sumingit. Hindi sa sinisiraan ko si Scar ahh pero syempre mas kakampihan ko naman ang pinsan ko."
"Hmmm ganun?"
"Yeah kaya tara na. Wag mong hayaang mawala sya sayo."
Kinalabit ko naman si Daven para mapukaw ang atensyon nya. Si Kai naman chinika si Scar.
"Wala kang idea kung nasaan si Drake?" Tanong ko na alam kong lahat naman sila nakikinig.
"Yun nga ang pinag-uusapan namin ni Scarlet kanina. Last night kasi nagkasagutan sila ni Mommy. I don't know pero sa tingin ko nagtampo sya kay Mommy." Sagot nya naman.
"Nagkasagutan?? So lumayas sya? Ganern?" Tanong naman ni Sam.
"Hindi naman ba sya suicidal?? Baka may napansin ka??" Nag-aalalang tanong ko. Oo worried talaga ako. Kasi naman yung mga last na sinabi nya sa akin. Para naman kasing namamaalam.
"Suicidal naman agad?" Pambabara naman sa akin ni Sam.
"Ehh... Kasi nga nung gumala kami kung anu-ano ang sinasabi. Kesyo 'baka mamiss ko daw sya' , 'wag ko daw sya kalimutan', 'masaya sya na napasaya nya ako' mga ganern?? Kinakabahan ako kasi baka premonitions yun." Depensa ko.
"Sinabi nya yun sa'yo?" Tanong ni Scarlet sa akin.
Hmmm bakit parang... Ewan ko ahh. Feeling ko hindi nya nagustuhan yung sinabi ko.
"Yeah. Nakakatakot nga ehh, baka kung ano na yung nangyari dun sa lalaking yun. Ipablotter mo na kaya Daven." Suggestion ko.
"Wala pa naman syang 24 hrs nawawala, Ney. At saka baka nagpapalamig lang yun. Don't worry too much." Malamig na sabi nya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
SonstigesHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...