---
C O U R T N E Y ' S P O V
Papasok na sana ako sa trabaho ng nakita kong gising na si Papa.
"San ka naman pupunta?" Tanong ni Papa.
"Magtatrabaho." Sagot ko.
"Hayaan mo na sya pumasok,Joe. Absent na sya kahapon." Sabi ni Mama.
Hindi ko naman pinansin. Nagtatampo talaga ako sa kanilang dalawa. Parang kinalimutan na nila na anak nila ako.
Naglalakad na ako sa labas ng makita ko si Scar. Para syang umiyak.
Ano naman kayang problema nun?
Napadaan ako sa bahay nila Drake.
Nandun pa ng kotse nya. Ibig sabihin hindi pa sya pumapasok. Bakit kaya hindi nya ako tinetext? Girlfriend nya ako ah.
"Pssst!"
Napalingon naman ako sa paligid.
"Pssst!"
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Bulaga!" Gulat sa akin ni Drake na nagtago sa likod ng kotse na nakaparada.
"Ayy palaka!!"
"Palaka pa din? Now... I am your frog prince."
Sabi pa nya.
"From being frog I turned you into a Prince." Sabi ko.
"Sus. Nagmayabang na naman. Halika pumasok ka muna sa palasyo ko." Sabi nya.
Hinila nya naman ako hanggang sa dining area, namangha ako sa preparation. Umaga pa lang pero parang candelit dinner na.
Kumpleto ang nakahain. May fried rice with lots of garlic, hotdogs, bacon, ham, egg, bread slice, cereals, hash brown, milk, juice, coffee with creamer at hot choco.
"Grabe! Ang dami naman nyan." Sabi ko.
"Eh hindi ka daw kasi masyado nakakakain ng dinner kagabi. At panigurado naman na hindi ka pa nag-aagahan."
"Wow naman. Alam na alam ha."
"Alam mo ba hija, napaka-aga gumising nyan para lang ihanda yan. At hindi nya man lang ako pinatulong." Sabi ni Yaya Vaneng.
"Wow naman. A for the effort." Sabi ko.
"Tss. Akala ko pa naman yayakapin nya ako. At sasabihin na 'ang sweet sweet naman ng boyfriend ko'" sarcastic na sabi ni Drake.
"Tss. I'm not that kind of girl. Duh. Tara na kain na tayo. Masarap ba 'tong mga luto mo?" Yaya ko sa kanya.
Kumain na nga kami. Nakangiting nakatingin sya sa akin.
"Dami bang nakalagay sa plato ko?? Gutom na gutom kasi talaga ako."sabi ko.
"Baliw ka. Hindi naman yun ang gusto ko sabihin. Kumain ka lang mg madami." Sabi nya sa akin.
"Thank you ha." Sabi ko.
"I dream someday... Ganito ang set-up natin. Gigising ako tapos ikaw ang makakasabay ko sa agahan."
Nginitian ko lang sya.
Pumasok na kami sa trabaho. Typical day. Sinadya ko talagang mag-overtime para pag-uwi ko ay matutulog na lang ako.
"Dito na lang ako. Wag mo na ako ihatid hanggang bahay baka makita pa tayo ni Papa." Sabi ko sa kanya.
"Hayyy sige.. Mag-ingat ka sa paglalakad dyan ah. I love you cupcake." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
