Salamat sa patuloy na pagbabasa. sige lang tuloy nyo lang hahaha :D
Happy 100 reads.#^_^#
--****---
Courtney's POV
After ata nung paghatid sa akin ni Mi Loves. Hindi ko na ata sya masyadong nakikita. ahuhuhu wawa naman si Courtney :( walang inspirasyon.
Excited ako pag Sunday dahil nagbabakasali ako na makita ko sya. Halos mag-iisang buwan na din kasi nung huli ko sya nakita.
Kahit si Drake hindi ko nakikita, ehh hindi ko naman talaga gusto makita yun ehh. T____T
"Couz, bakit lagi nakabusangot yung mukha mo everytime na matatapos na yung mass?" tanong ni Kai sa akin.
Masyado na palang obvious yung pagdadalamhati ko sa pagkawala ni Daven. haha Makadalamhati wagas ehh noh?? kala mo naman nawala na talaga si palalabs.
"aahh wala. I'm not feeling well kasi." sabi ko na lang.
"Ayy nako Couz! wag mo akong artehan ng ganyan. Bukas na tayo mag eentrance exam sasabunutan talaga kita pag hindi tayo schoolmate." paalala ni Couz.
Kung hindi nya pa sinabi hindi ko pa maaalala, we are planning to get same course pero baka kasi magkaiba ang trip namin kaya kahit na magkaschoolmate okay na sa amin.
Kinabukasan, maaga ako binulahaw ng bruha na 'to. Malayo pa kasi yung school na pupuntahan namin.
"Couz naman ehh tinatamad pa ako." sabi ko sa kanya.
"Tatayo ka na dyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig." pananakot nya sa akin.
Grabe naman talaga 'tong babaeng 'to ohh. Napilitan na nga akong bumangon kahit na ayoko pa. iihh takot ako sa malamig na tubig ehh. bakit ba.
Pagpunta namin dun sa school, ang magaling na si Kai ayun puro boy's hunting ang ginagawa. Lamog na lamog na ang braso ko kakahampas nya pag may gwapo syang nakikita. Parang gusto ko na tuloy sakluban ng sako yung mukha ng mga lalaki dito. Infairview naman, nag uumapaw nga sa gwapong estudyante 'tong school na 'to. Pero my heart belongs to only one.
After namin mag-exam tumambay muna kami sa waiting area nila dun, ganda ng campus. Malaki, maraming puno, madaming pwedeng pagtambayan pag wala pang klase. Fully airconditioned rooms, di katulad nung highschool na kahit isang electric fan wala. I wonder where the donations coming from the students go every end of the year?? hehehe naisip ko pa yun ehh noh?
Haayy kesa naman ma-over occupied na naman ni Daven ang utak ko. At least may iba namang nilalaman.
"Umuwi na nga tayo. Sobrang lalakero mo na Couz." Sabi ko na lang kay Kai para naman masulit ang pagdedaydream ko kay Mi Loves.
"Ang KJ mo talaga Couz, kaya di ka nagkakaboyfriend ehh." Sabi nya. Ano naman nag kinalaman ng pag-uwi namin sa lovelife ko.
Palabas na sana kami ng school ng may nakita akong kamukha ng likod ni Daven my loves.
haayy! :( naghahallucinate na ata ako. Pati ba naman dito makikita ko si Daven. hay naku! Courtney ayusin mo nga buhay mo para ka ng baliw dahil sa lalaki.
Pero nung humarap na sya.......
ayyy parehas lang pala ng likod ni Mi Loves. Kainis naman. T__T
Papalabas na kami ng gate ng may mamataan ako na katulad ng kotse ni Daven. Hay naku! heto na naman ako katulad lang na kotse kung anu-ano na iniisip. Bakit kasi hindi ko inaalam yung plate number nya ehh.
Pagdating naman namin sa gate, sinisiko ako ni Kai. May pogi na naman sigurong nakita.
Pagtingin ko, ang walang hiyang Drake nandito sa school na to. Waaaah!!!
ayoko na mag-aral dito. Kahit na full scholar pa, hindi na lang basta maka-iwas lang sa demonyitong yun.
Dire-diretso na lang ang lakad ko habang hila-hila ko si Kai pero hinarang nya talaga kami. Walang hya naman ohh.
"Aba! Dito ka pala mag-aaral." sabi nya.
"Sorry, hindi na. Nakita kita dito ehh. I change my mind." sagot ko naman sa kanya.
"Ako ba talaga ang dahilan? O hindi mo lang talaga kaya ang Entrance Exam dito?" Wow ha! minamaliit ata ako nitong lalaking 'to. Kung hindi nya lang nalalaman top student naman ako kahit na napakarami namin sa school namin. At sisiw lang kaya yung Entrance Exam dito. Duh!
"Excuse me, nakita kasi kita dito kaya kahit na full scholarship pa makuha ko dito hindi na lang ako tutuloy dahil nandito ka. Baka mahawa pa ako sa sama ng ugali mo." sabi ko naman sa kanya at nilagpasan na namin sya.
"Hahahaha, swerte ko naman buti na lang hindi na ako dito mag-aaral kundi araw-araw kitang makikita. I just drop by here to get my records for your information." sabi nya.
Hindi pa man kami nakakalabas nga campus ehh nakita ko si Daven. Pero kunyari,
"Well, that's good." sabi ko saka na kami lumayo talaga sa kanya.
Nandito si Drake?? So may chance kaya na yung kotse na nakita ko kanina ehh kay Daven talaga? Oh my G!!!
(crossfinger) sana sya nga yun. at Lord sana po makita ko sya. Please.
Hindi pa man kami nakakalayo ng 100 meters... nakita ko si Daven.
*^▁^*
Yung tipong, ayoko na umalis sa pwesto ko. Kaso panira naman 'tong pinsan ko, nag-aaya na agad umuwi. Tsk.
At least nakita ko sya. Okay na siguro yun. Yun lang naman wish ko kanina ehh.
--***---
Thanks for reading
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AléatoireHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...