porti siks

8 0 0
                                        

And if forever's not enough for me to love you. 🎤🎶

--

Daven's PoV

Nagpasundo ako kay Drake, hindi ko talaga tinetext si Courtney. Kahit na miss ko na sya. Kahit na nag-aalala ako sa kanya.

Gustuhin ko man na sya ang una kong makita pagbalik ko sa Pinas eh parang mas maganda kung ako ang sumorpresa sa kanya kesa ako ang masurpresa nya.

Babae pa ba pag-e-effortin ko??

Before I leave Singapore, tinext ko na si Drake para masundo ako. Hassle kasi pag nagtaxi ako. Ang layo layo baka tagain ako ng driver. Though money isn't an issue mas maganda pa din talaga magtipid.

I was about to check in nang biglang may kumalabit sa akin at agad naman syang nagbeso nung makumpirma nya na ako talaga ang nakita nya.

"Long time no see, Daven. Dito pa talaga tayo nagkita in all places." Sabi ni Christine.

"Oo nga ehh. What are you doing here?" Tanong ko.

"Ahh nagshopping. Nag food tasting. I'm thinking of a new concept for our new upcoming restaurant." Sabi nya.

Successful na talaga sya. Sa bagay, mayaman na naman talaga ang pamilya nya kaya nga gusto nila kami magkatuluyan.

"Ahh. That's nice." Komento ko na lang.

"Parang kailan lang noh?? Dati masaya tayong namamasyal dito sa Singapore. Tandang-tanda ko pa na first anniv natin yun." Kwento nya pa.

Oo nga pala. Isa 'to sa mga lugar na hindi nya makakalimutan.

"Haha. Oo nga." Matipid kong sagot. I actually can't remember what we've done here. Ang alam ko lang nagpunta kami dito.

"Ang saya naman. Sabay pa tayong babalik sa Pinas. Hindi ako mabobored sa byahe." Sabi nya.

Kala mo naman napakatagal na byahe. Mas matagal pa byahe sa edsa eh.

Natulog lang ako buong byahe. Gusto ko kasi madami akong energy pag nagkita kami ni Courtney. For sure, magpapakwento yun tapos aantukin lang ako? No way.

"Hey Daven! Ang daya naman nito. Tinulugan na ako, akala ko pa naman hindi magiging boring ang byahe ko." Narinig ko pang sabi nya bago ako tuluyan na makatulog.

Paggising ko, napansin ko na nakasandal ang ulo ni Christine sa balikat ko pero binalewala ko na lanh. Nasa pinas na kami. Hahaha. Excited na ako. Now, I know the feeling of Drake nung nagbakasyon sya. Kaya pala kahit hintayin nya sa kalsada si Ney ay okay lang.

"Nga pala, napansin ko na medyo ilang ka sa akin. Alam mo, okay na ako ngayon. I've already moved on. Kaya wag ka na maconscious everytime we will meet. Mapapadalas na din ang pagkikita natin dahil I decided to go back in our hometown." Sabi nya.

"Buti naman at naka move on ka na. Thank you." Yun lang ang tanging nasabi ko.

As we bayed goodbye, she kiss me.

O____O

On lips.

O____O

Akala ko beso beso lang.

It left me speechless.

And then she hug me and said goodbye.

"For the last time." Sabi nya. At sumakay na sya sa van na susundo sa kanya.

Tinulungan ko naman si manong na maglagay ng bagahe nya. Ang dami naman kasing anek anek.

"Teka. Bakit wala pa si Drake. Sabi nya susunduin nya ako."

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon