🎶Tagu-taguan maiwanag ang buwan.. masarap magmahal pag hindi iniwan.. pagbilang kong tatlo nakatago na ako... Ibalik ako sa nakaraan... Nung hindi pa naiwan....
---
S C A R L E T ' S P O V
Boyfriend nya si Drake???
Boyfriend nya si Drake???
Boyfriend nya si Drake???
Hindi ako makapaniwala. Panong nagawa nya pa talagang manligaw kay Courtney samantalang ipapanganak ko na ang magiging anak namin.
Sasabihin ko ba kay Courtney?? Baka sabihin nya na pati si Drake ay inaagaw ko sa kanya.
"Scarlet. Handa na ang tubig na mainit makigo ka na." Sabi pa ni Tita mula s aloob ng bahay.
"Tignan mo nga naman. Sya na ang pinagsisilbihan ni Mama. Tsk. Sino ba namang matutuwa?" Parinig pa ni Courtney.
Natutuwa ako na maganda ang pakikitungo sa akin ni Tita. Masaya ako na kahit anak ako sa labas ay pinapasok nya ako sa buhay nila.
Ang hindi ko lang gusto ay ang pakikitungo sa akin ni Courtney. Feeling nya ay inaagawan ko sya na ang totoo naman ay nakikihati lang ako sa pagmamahal na binibigay sa kanya ni Papa.
Binalewala ko ang pagpaparinig nya. Para hindi na kami magkagulo.
"Salamat po Tita." Sabi ko kay Tita. Niyakap ko pa sya.
"Hmmm. Bakit?" Tanong sa akin ni Tita.
"Nagpapasalamat lang po ako na tanggap nyo ako. Salamat po sa pag-aasikaso sa akin kahit na hindi nyo ako anak. Ngayon lang po ako nakaramdam ng pag-aalaga ng isang ina." Sabi ko pa.
Meron namang biglang nag-slowclap sa likuran namin.
*Clap clap clap
"Nakaka-touch naman." Sabi ni Courtney humawak pa sa dibdib nya. "Mother and daughter bonding ba yan??" Naka-smirk pa na sabi nya.
"Anak..." Sabi sa kanya ni Tita.
"You don't need to explain Ma." Sabi pa ni Ney sa kanya.
"Lahat na lang ba aagawin mo sa akin?? Si Mama naman ngayon.. wala ka bang ititira sa akin?" Tanong pa nya.
"Wala akong inaagaw sa'yo Courtney." Sagot ko.
Nag-walk-out na sya. Sinundan naman sya ni Tita.
Hindi ko alam kung anong pinagpuputok ng butsi nya. Tsk.
--
KINABUKASAN
Maaga ako aalis. Sinadya ko talaga na hindi pa sila gising.
"San ka naman pupunta??" Tanong sa akin ni Courtney na kakagaling lang sa CR.
"Ahh... Dya-dyan lang sa labas. Bi-bibili lang ako ng pandesal sa bakery." Palusot ko sa kanya.
Tinalikuran nya lang ako nung nalaman nya na ang rason ko.
Lumabas na ako at dumiretso na sa bahay nila Drake.
Naabutan ko pa syang naghahanda ng breakfast.
"Para namang sobrang saya mo?" Tanong ko pa sa kanya.
"Huh??! Pano ka nakapasok dito?" Tanong nya pa sa akin.
"Masama ba?? Sino ineexpect mo si Courtney ba?"
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...