eyti Por

8 1 0
                                    

Nono. Eto na.  nonoland08

------

C O U R T N E Y ' S  P O V

Ilang araw na din na wala si Drake sa bansa. He had a vacation with his family.

*Ding

Friend request from Lira Bautista

Wow ah. Friendly 'tong batang 'to.

I accept her friend request.

Bigla akong tinamaan ng lungkot. Namimiss ko na si Drake.

~flashback~

Matapos ang dinner namin ay kina-usap ako ni Drake.

"Pasensya ka na kay Mona. Alam mo naman yun. Bata pa lang tayo, maldita na talaga yun." Sabi ni Drake.

Hindi dapat ikaw ang humihingi ng tawad.

"Alam ko." Matipid na sagot ko.

Tinawag naman sya ng Mommy nya. Naramdaman ko na hindi maganda ang pinag-uusapan nila. Alam kong tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.

Masakit man isipin... Pero sa palagay ko ay hindi kami magtatagal ni Drake. Mali man pangunahan ang tadhana pero yun ang nararamdaman ko.

"We're going to have a family vacation daw. You wanna come?" Tanong nya.

Vacation? Bakit biglaan naman yata.

Hindi ako nakasagot agad.

"Sama ka? Ibo-book kita ng flight?"

"Ah--hi-hindi na. Kayo na lang ng family mo.." sagot ko.

"Sama ka na Cupcake, please." Pagmamakaawa nya pa.

"That's a family vacation, Cupcake. Hindi nyo naman ako kapamilya. Ang awkward nun."

"Pamilya ka na din namin. You're go--going to be my wi-wife." Nauutal nya pang sabi.

"Maiiwan na lang ako, Drake. Ilang araw lang naman kayo diba? I'm going to take care of your business. Just enjoy your trip."sabi ko.

Ilang araw nga lang ba talaga?? O baka hindi na sya bumalik pa.

~end of flashback

-----

*Ting

Message from: Lira

[ Hi Ate! How are you? Sana sumama ka na lang sa vacation namin. ]

Buti pa yung bata nagcha-chat sa akin. Samantalang sya hindi.

Sinagot ko naman ang message ni Lira.

Nung makauwi na ako ay nagvideocall na sa akin si Drake.

Walang gana naman ako sinagot yun.

"Oh?"

"Ganyan mo ba sagutin ang taong mahal mo?? Lambing naman dyan Cupcake." Sabi nya.

"Eh bakit ngayon ka lang tumawag." Nakanguso ko pang sabi sa kanya.

"Yiieeh! Namimiss ako ng Cupcake ko." Sabi nya pa.

"Tangek!! Sasabihin ko lang sa'yo daily sales ng resto." Sabi ko sa kanya at bigla naman nawala ang ngiti sa mukha nya.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon