payb

33 6 1
                                    

--***---

Courtney's POV

"Courtney Anne Gutierrez." Tawag sa akin ni Mama. Oh my? May ginawa ba akong masama? Ganyan si Mama pag serious talk.

"Yes? Mama??" Nilambingan ko na lang yung boses ko para medyo lumamig-lamig. Ahehehe

"Yes mama, yes mama ka dyan! May sinabi sa akin Tita mo."

"Anu yun Ma?"

"Kaya pala lagi kang nasa parish dahil kumekerengkeng ka dun. Ney, alam mong ayaw na ayaw ng Papa mo ng ganun."

"Ma, hindi ako kumekerengkeng dun, about dun sa pictures Ma. Wala akong alam dun atsaka Ma, dun lang yun sa palaro. Ni hindi ko man lang ka-close yung magkapatid na yun."

"Kahit na. Hindi ka na pwede lumabas-labas. Ayoko mahusgahan ka ng mga tao dyan. Alam mo naman na napakadaming madiwarang chismosa dyan." Sabi ni Mama sabay alis sa harap ko.

(・へ・)

Anu ba naman yun?? Pati ba naman pagpunta sa parish bawal na. Hayyys.

Bigla naman dumaring si Couz.

"Ohh Couz bakit ka nakasimangot?" Tanong nya sa akin.

"Im grounded. Or should I say bawal na ako lumabas ng bahay pag walang valid reason."

"Bakit naman??"

"I think may sinabi si Tita?? Maybe a bout the pictures?"

Nag-isip muna sya bago nagsalita. Siguro mga 5 minutes.

"I have a plan Couz." Sabi nya finally. Nakapag-isip na din sa wakas.

"Ano naman yun? Siguraruhin mong maganda yan ahh ang tagal mo nag-isip ehh."

"Ang plano lang naman ehh tanggalin yung picture nyo dun sa parish. Para hindi na makita ni Tito yung picture."

"Bright idea Couz pero pano ko naman gagawin ehh grounded nga ako?"

"Ehh di magsleep over ka sa amin and we will do that oplan:tanggal picture sa gabi. 12am."

"Hindi ba masyadong late yun?" Tanong ko ehh kasi naman. Antukin ako. Alas diyes pa lang tulog na ako.

"Shunga ka talaga Couz. Baka nga di pa safe yung 12am ehh. Baka may makakita pa sa atin ng ganung time. Gawin nating 3am."

O_______O

"3am???!! Devil's time yun. So creepy naman. Wag ganun Couz."

"Ano ba naman yan? Duwag mo talaga. Ehh di 2am na lang."

"Gisingin mo na lang ako Couz. Ahahaha" alam nya naman na antukin ako ehh.

Teka nga?! Tama ba yung gagawin namin?? Para naman kaming magnanakaw nun.

Bumaba naman si Kai sa salas namin at saka kinausap si Mother Dear.

"Tita, may gagawin kaming project ni Courtney. Pwede ba sya magsleep over sa amin?" Sabi ni Kai kay Mama.

I really love my cousin. Gagawin nya talaga lahat para lang matulungan ako.

"Grounded si Courtney." Sagot ni Mama. Ayun lang! Hindi gumana ang karisma. Hayys.

"Tita please please please. Project po kasi at saka sa isang araw na po pasahan. Mahirap na magrush. Sa bahay lang din naman namin po sya ehh."

Wew galing nya talaga mag alibi. Minsan natututo din ako dito. Ahahaha.

Bigla naman dumating si Papa. Hindi ko na ieexpect na papansinin ako.

"Ohh?? Bakit ayaw mo payagan si Courtney na mag overnight kila Karen?"

?____?

HAAA? Payag si papa? Thank youuuuu Lord. Ibig sabihin ba nun di nya pa alam yung pichures?? Echos lang ba ni mama yun???

Ayun nga, nag sleep over ako kila Kai. Yung alibi na gagawa ng project. Eto parang may wifi party kami. CoCpamore.

Nakatulog na din ako ng bandang alas diyes, sabi sa inyo ehh antukin ako. Mahipan lang ako ng hangin aantukin na ako.

12:00am

"Huy Couz! Gising. Alas dose na. Tara na. Baka wala ng tao sa parish."

Alas dose? Gulo din nito ehh. Sabi alas dos daw kami mag nanakaw ng picture. Tapos ngayon, alas dose. Hayys.

Pupungas pungas pa akong bumangon sa kama nya.

"Hep hep hep!! Magpalit ka munang damit."

?____?

Kukuha lang ng picture kailangan pang magpalit ng damit. Psh.

"Bakit pa? Sa parish lang naman ehh." Sagot ko.

"Couz para hindi tayo kita. Wear this." Sabay hagis sa akin ng damit.

Black longsleeves at black leggings??? Wow ahh di naman sya prepared nyan. Ahahahaha

Nagpalit na lang ako, sayang naman effort ng pinsan ko. Pagkapalit ko ng damit, kulang na lang yung sa ulo mukha na akong ninja.

"Couz may kulang pa ata sa costume natin."

Takang taka naman si couz. Minsan talaga loading tong pinsan ko. Hayyys. Hirap talaga magjoke sa taong sloooow.

Pumunta na nga kami sa parish. Nagulat na lang ako ng may kumakalabit sa akin.

"Ayyy palaka!" Sabi ko. Si Drake pala. Teka?? Alas dose? Anong ginagawa pa ng lalaking to sa labas.

"I'm not frog." Sabi nya.

"Pero para kang palaka." Sagot ko.

"Is it because you want me to be your Prince?" Tanong nya. Hayyys -____- kapal talaga ng face.

"Yuck. Hindi yung katulad mo yung naiimagine ko na itsura ni Prince Charming. Pero dont you worry, relate ka pa din naman sa frog. Ayoko sa inyo parehas. Okaaay?" Sabi ko.

Saka ko lang napansin na andami ding tao dito. Anyare??? Anong ganap?

Lumapit naman sa akin si Kai.

"Couz!! Naku!! May nakawan palang naganap dito." Ohhh kaya pala.

Ayun purnada. Kasi naman yung magnanakaw na yun inunahan pa kami.

"I told you its better to go here by 3am."

Kaya ayun bumalik na lang kami ng 3am. Hayay!! So creepy naman kasi. Duwag pa naman ako.  ̄﹏ ̄

Pagdating namin sa parish, wala ng tao. Kami na lang. Haha magagawa na namin ang binabalak namin.

Pagtingin ko sa bulletin board, wala yung picture namin ni Drake. Naku! San na kaya napunta yun?

Grabe naman yun. Ninakaw kaya nung magnanakaw kanina??

---***---

Thanks for reading.

Monamie

-sweetascandy15

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon