Keep fighting 🌞
Dedic to Lady_Aei
S C A R L E T 'S P O V
Natuuwa ako na nagkita ulit kami ni Zac. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Natutuwa ako pero hindi ako masaya na makita sya.
Oo. He's been part of my past. I know its not happy relationship but I don't think that we're going to have a happy ending.
There's a part of me na hindi ko maintindihan. Its just hayyy I don't know.
"What's stopping you?" Tanong ni Kai sa kin nung kami na lang mga babae ang magkakausap.
"I don't know." Sagot ko.
"Siguro si Drake." Sabi ni Ney.
Sumimangot ako.
"Bakit naman si Drake?" Todo tanggi ko pa.
"Akala mo ba hindi namin napapansin? Its so obvious girl." Sabi pa ni Gela.
"Luh! Asa ka. Pinagsasabi mo dyan?" Tanggi ko pa.
"Wag mo na itanggi. Pero ghorl, tandaan! Si Courtney ang unang inibig. Paalala lang besh." Sabi ni Kai.
"Panira ka. Bini-build up na nga eh. Atsaka its fine with me kung si Scar ang makatuluyan ni Drake. Basta masaya ang kapatid ko." Sabi ni Ney na para bang nag-i-speech pa.
"Is it really okay?" Tanong ni Gela.
"Yeah. Mas masaya ako kung mabuo ang pamilya nila. I'm so willing to be her maid-of-honor." Sabi na naman ni Ney.
Alam ko naman na sa loob nya ay nasasaktan sya. Kung hindi siguro kami naging mapusok ay sila pa din.
I feel bad.
Napansin naman nila na tahimik ako.
"Siguro mas bet nya si Zac?" Tanong ni Kai.
"Hindi ah. Oo alam ko wala naman naging iba si Zac pero hindi ako sigurado sa kanya. Pano kung maipluwensyahan na naman sya? Baka bigka na naman nya ako iwan." Sabi ko.
"Eh pano yan? Pinuntahan ka pa? That's effort ghorl. Doon pa lang ang haba na ng hair mo." Sabi ni Kai.
"Bahala na."
Oo aminado ako, mqy nararamdaman na ako kay Drake. Pero hindi pwede.
Bumalik na sila mula sa labas. Bumalik sila na nakasimangot ang dalawa. Tumabi si Daven kay Ney. Ang sweet nila tignan. Parang hindi sila nagkukunyari.
Samantalang si Gela ay napakalungkot.
Nakaka-awa din si Gela sa tuwing nakikita kong sweet sila Ney at Daven.
Napatingin sa akin si Gela ngunit iniwasan ko lang din sya ng tingin.
Nakakahiya. Para syang humihingi ng tulong sa akin pero hindi ko naman alam kung pano ko sya tutulungan.
Nagyoyosi ako sa labas ng lumabas din si Daven at sinagot ang tawag mula sa kanyang telepono. Matapos nyang makipag-usap ay nilapitan ko sya.
"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ko sa kanya.
"Ha?" Maang-maangan nya pa.
"Pano ka nagiging sweet sa kapatid ko habang nakikita ka ni Gela?" Tanong ko habang humihipak ng sigarilyo.
Hindi nila alam na alam ko kaya siguro takang-taka sya.
"Hindi mahirap gawin ang gusto mo talagang gawin." Sagot nya sa kin.
"Ha? Eh bakit pinapahirapan mo pa si Gela?" Tanong ko sa kanya.
"Nahihirapan ako. Mahirap tapatin si Gela sobrang buti nya sa akin. At alam ko na masasaktan pa din naman si Drake kahit na hindi nya sabihin." Sagot nya.
Oo nga. Ang hirap nga ng sitwasyon nya.
"Oh pano yan? Sabihin mo na para hindi na kayo mahirapan pare-parehas." sabi ko sa kanya.
"Sana nga ganun kadali." matipid na sabi nya.
Lumabas din si Gela at nagpaalam na na uuwi.
"Ihahatid na kita." sabi niya kay Gela. Saka nya sinundan si Gela na tila ba galit sa kanya.
Saka naman lumabas si Courtney. Alam ko nasaksihan nya din yun.
"Hurt?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Bakit naman ako masasaktan?" tanong nya sa akin.
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Siya naman talaga eh. Wala akong karapatang masaktan." malungkot na sabi ni Ney.\
Naawa ako sa kapatid ko.
"Teka. Ba-bakit? Alam mo?" tanong nya sa kin.
"Kapatid kita. Wala kang malilihim sa akin." saka sya yumakap sa akin.
"Bakit hindi ka na lang magjowa na lang ng iba? Maganda ka naman. Imposible naman na walang ma-inlove sayo." suhestyon ko.
"Ayoko na. Sa mga pinagdaanan ko, magtatangka pa ba akong umibig muli." sabi nya.
Niyaya ko na lang sya pumasok uli.
Ilang minuto lang ay nagpaalam na din na umuwi si Zac.
"Ingat ka." sabi ko sa kanya.
"Dyan tayo nag-umpisa." sabi nya at tila ba inaalala kung pano kami nagsimula noon.
"Hahaha." tinawanan ko lang sya.
"Hindi naman imposible diba?" tanong nya sa akin. "Hindi naman masama, diba?" ikalawang tanong nya sa akin na hindi ko alam ang isasagot.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ang mahalaga. Tanggap pa din kita. Mahal pa din kita." sabi nya.
Natutulala lang ako sa sinasabi nya.
"Sige na. Uuwi na ako. Mag-iingat ako para makabalik pa ako sa'yo." banat nya pa.
Pagka-alis nya ay nagulat na lang ako na nandoon na pala si Drake.
"May pag-asa ba sya sa'yo?" diretsahang tanong nya sa akin.
"Ha?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang.
"Mukhang seryoso naman sya sayo pero kung ako ang tatanungin.. wag na lang." sabi nya.
"Bakit naman?"
"Ubod ng hangin ng taong yun. Baka liparin ka kahit mataba ka." pang-aasar nya pa.
Hinabol ko sya ng batok.
"Pero pano kung gusto ko sya? Okay lang ba sayo?" tanong ko din sa kanya.
"Luh! Asa ka!" biro nyang sagot na para bang nagtitiktok.
"So... ayaw mo?" seryosong tanong ko pa sa kanya.
"Hahahahaha. Feelingera ka. Pakelam ko naman sa inyong dalawa noh!" sagot nya sa akin at pumasok na ng bahay.
"Seryoso kasiii!!!" sigaw ko pa.
Lumabas naman na si Kai at uuwi na.
"HOY! Ano yun? Parang ikaw pa nanliligaw dun ah. Stop that. Nakakabawas ng ganda." sabi nya.
"Hahahaha hindi ah. Asa naman sya. May tinatanong lang naman ako. Sige na jumuwe na kayo baka maabutan pa kayo ng ulan." sabi ko sa kanila.
--
Thanks for reading.
-sweetascandy15
-monamie
-simply_amie
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
