103-FNNMP
---
C O U R T N E Y ' S P O VMaaga ako nag-ayos dahil ayokong magpaka-importante. Makikisabay lang ako kay Daven. Pero oras na ng usapan namin pero wala pa sya. Text ako ng text sa kanya pero wala pa din syang sagot.
"Aalis na ko Seswang. Baka hindi na darating yun." Sabi ko kay Scar.
"Hintayin mo na. Malayo pa naman ang pupuntahan mo. Delikado pa naman ang panahon ngayon. Tignan mo sa China ang dami ng nabiktima ng traydor na virus na yan." Sabi pa ni Scar.
"Hindi na ako makaka-abot sa meeting ko kung hihintayin ko pa si Daven. Sige na I have to go na. Bye. Ma, Pa, alis na po ako." Paalam ko sa kanila.
"Ingat ka ses. Sabihin ko na lang sa kanya na nagtatampo ka." Pang-aasar pa ni Scar.
"Hahaha. Asa."
Pero ang totoo. Oo nakakatampo. Nangako sya sa akin eh. O sadyang palabas lang yun. Bakit ba naman kasi ako umaasa. Masasaktan lang naman ako in the end.
Naglalakad n ako palabas ng village ng may humintong sasakyan sa harap ko.
"Hey Ney! Kanina pa ako busina ng busina sayo. Hindi mo ako pinapansin." Nagulat pa ako na si Drake pala yun.
"Ah.. sorry. Hindi ko napansin." Sagot ko.
"San ka pupunta?"
"Sa Makati pa." Sagot ko."ayy nagmamadali nga pala ako. Sige. Bye." Dagdag ko at naglakad na ng mabilis.Nagulat pa ako noong sumunod pala sya sa akin.
"Sakay ka na." Sabi nya sa akin. Tumanggi pa ako nung una. Pero napilit nya din ako.
"Diba may usapan kayo ni Kuya?" Tanong nya sa akin.
"Oo. Pero mukhang busy sya kaya magcocomute na lang ako."
"Tsk. Nalate kasi siguro sya sa meeting nya kanina. Dadalhin pa sana nya kasi si Gela sa ospital pero ako na lang nagdala dahil importante nga yung meeting na yun."kwento nya pa.
Kaya pala. Si Gela pala ang inuna nya. Well, ano naman karapatan kong unahin. Diba?
"Huy! Antok ka pa siguro. Marami kang ininom kagabi noh?" Pukaw nya sa atensyon ko.
"Puyat lang. Hindi nagpatulog agad si Botchok eh." Palusot ko pa.
"Haha. Bakit ikaw ang napuyat hindi naman ikaw ang Nanay?" tanong nya pa sa akin.
"Alam mo naman yung anak mo. Makulit masyado pati ako nagigising."
"Thank you for taking care of my son." sabi nya.
Naghari naman ang katahimikan sa aming dalawa. Nakaramdam kasi ako ng awkwardness nung magpasalamat sya sa akin.
Mahaba pa naman ang byahe namin plus the traffic papuntang Manila."Hmmm.. wag mo sanang masamain 'tong itatanong ko ha. Hindi ka ba nagseselos kay Gela?" diretsahang tanong niya.
"Hindi naman. Magkakaibigan naman kaming tatlo. Mukhang wala naman akong dapat na ikaselos." sagot ko na lang para hindi na sya mangulit pa.
"Napapansin ko kasi parang iba kasi. Parang they are too close." sabi pa nya.
"Close na talaga yun simula nung dumating ako sa Baguio kaya hindi ko na sila pinag-iisipan pa." palusot ko na lang.
"Hmm.. Okay. Sana naman hindi na bumalik yung lalaking mahangin na yun sa inyo noh?" pag-iiba nya ng topic.
"Sana nga. Ligawan mo na kasi ang kapatid ko. Mas boto pa ako sayo kesa sa lalaking yun." sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AcakHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...