Dedic to Justine Troy Hernandez 🐖🐷
---
Daven's PoV
Nagpunta ako sa kanila para magpaliwanag.
"Good evening po. Tanong ko lang po sana kung nandyan po si Courtney." Tanong ko pa sa Mama nya.
"Wala nga dito eh. Kanina pa umalis yun. Wala din naman daw kila Kai."
Nasaan kaya yun??
"Hmm sige po. Titignan ko na lang din po kila Sam." Sabi ko.
"Sige. Salamat hijo." Sabi ng Mama nya sa akin.
Palabas na sana ako ng gate nila ng tinawag ako ng Papa nya.
"Hijo!"
"Hmmm.. ba-bakit po?" Nauutal ko pang tanong.
Baka masama ang iniisip nya sa akin. Baka akala nya may relasyon din kami ni Scar tulad ng iniisip nila Sam.
"Kailangan natin mag-usap. Yung tayong dalawa lang. Sige na tulungan mo muna kami maghanap kay Courtney." Sabi nya.
Pumunta ako sa bahay ni Sam. Salubong naman ang kilay ni Sam nung makita nya na ako ang nasa pinto ng unit nya.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo na pumunta pa dito noh?!!" Sigaw sa akin agad ni Sam.
"Itatanong ko lang sana kung nandyan si Ney."
"Wow! May gana ka pa talagang hanapin sya sa akin. Pwede ba tigilan mo na si Ney kung lolokohin mo lang sya."
"Hindi ko sya niloloko. Kaya ko nga sya hinahanap para humingi ng sorry sa kanya."
"Pagkatapos ng ginawa mo??! Sa tingin mo ganun ganun lang yun?"
"I didn't came here to explain myself to you. I came here to look for Courtney." Sabi ko at umalis na sa harap ni Sam.
"Kala mo ba gusto ka pa makita ni Courtney. Muhing-muhi na sya sayo! Kaya kung ako sa'yo wag ka na magpakapagod maghanap sa kanya dahil ang taong ayaw magpakita hinding-hindi mo talaga makikita." Sabi pa nya.
Ganun na ba kasakit yung mawalan lang ako ng oras sa kanya??
Ikot na ako ng ikot sa lugar namin pero wala pa din akong makitang Courtney. Mahirap nga ata talaga makita ang taong ayaw magpakita.
I decided to take a rest for a while. Nagkape muna ako sa convenience store sa labas ng subdivision namin.
Patapos na akong magkape nung makita kong bumaba sa isang kotse si Courtney.
Sino kaya ang naghatid sa kanya?
Saan ka naman nanggaling?" Tanong ko sa kanya.
"Ano bang pake mo?!" Sigaw na sagot nya sa akin.
"Masama ba mag-alala? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo. Tinanong kita sa parents mo hindi naman nila alam kung nasaan ka?"
"I can take care of myself. Please stop pretending that you care." Sabi nya at nauna na maglakad.
Syempre hinabol ko sya.
"Ganun na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?? Para namang napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa'yo?" Sigaw ko pa sa kanya dahil napakabilis nya maglakad.
Hindi nya ako sinagot bagkus tumakbo pa palayo sa akin kaya hinabol ko sya.
"Courtney!! Ano ba kausapin mo naman ako. Hindi natin 'to maaayos kung hindi tayo mag-uusap." Sabi ko at hinigit ko na ang kanyang braso para matigil sya sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AcakHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
