portin

18 2 0
                                    


Enjoy reading.

---***----
Drake's PoV

Good news. Tinuloy pa din pala ni Courtney ang pag-aaral dito. Buti na lang at hindi sya natakot sa banta ko.

Bakit ko nga ba kasi sya binantaan?? Ehh gusto ko naman sya makita araw-araw. Ang shunga shunga mo din kasi Drake ehh.

Kaso I feel bad kasi naman, mas tumapang sya ngayon. Mas nakakatakot sya ngayon. Mas nakakahiya lumapit sa kanya.

Tulad kanina baka asarin nya lang ako sa harap ng mga tropa ko. Baka imbes na takot sila sa akin baka kaya-kayanin na lang nila ako. At saka baka mawalan na sila ng respeto sa akin.

Natatakot na din ako dahil baka maagaw na sya sa akin. Kanina pa nga lang type na sya nung mokong na yun.

"Bakit nga pala hands off kami dun sa babae kanina?" Tanong ni Badjie.

"Basta. Wag nyo silang aasarin. Ako lang may karapatan mang-asar sa kanya. Okay?" Sabi ko. Sumang-ayon naman yung iba. Bukod sa isa.

"Hindi sya pwede asarin? Pero pwede ba mahalin?" Tanong ni Mark. Yung nanghaharang kay Courtney.

Kumukulo na talaga dugo ko dito sa lalaking 'to ehh.

"Hindi pwede. Tapos!" Sabi ko.

Pero hindi ko alam kung susunod yung lalaking yun. Sa dinami dami ba namang babaeng magugustuhan si Courtney pa.

Bakit ba kasi napaka attractive ng babaeng yun? Nakakainis.

Nagsilayasan na sila pero si Badjie naiwan.

"Men, Special ba sayo yung dalawang babaeng yun na laging kasama ni Sam?" Tanong ni Badjie.

"Hindi naman. Bakit? Type mo din ba?" Sagot ko. Pag sinabi nitong 'oo' didibdiban ko 'to.

"Hindi ahh. Asar lang ako dun sa mga yun lalo na dun sa isa. Gusto ko na nga saktan ehh."

Isang babae? Si Kai ba tinutukoy nya?

"Bakit? Ano ba ginawa sa'yo?"

"Ang ingay nun, men. Sarap busalan yung bibig."

"Natural sa babae yung ganun tangek." Sagot ko na lang.

"Iba sya. Sumasagot sya sa akin. Hindi pa ba nakakatakot yung itsura ko?"

"You don't look like a monster."

Lumayas na lang din sya kesa patulan ang mga non-sense na sinasabi ko.

Wala nga ata akong tunay na kaibigan.

Umalis na din ako at pumunta sa mall na malapit sa school. Dun kasi kami magdidinner nila Kuya kasama si Mommy.

For sure naman, tatanungin na naman kami ni Mommy kung kamusta ang firstday of school. Hayyys.

Habang wala pa sila. Nag ikot ikot muna ako. Bigla na lang may kumalabit sa likod ko.

"Hi. Kamusta na?" Sabi ni Sam.

"Okay naman. Nagstay ka pa din pala sa school ahh. For loyalty award?" Tanong ko naman sa kanya.

Since gradeschool, magkaibigan na kami pero di gaanong close. He is kinda good boy and I'm BAD.

I know that. I'm bad. Kaya siguro ayaw nila sa kin.

"Hindi naman. Masaya lang ako sa school na yun. And guess what? Dormate ko yung mga neighbors mo daw dati. Sila Courtney and Kai. Small world noh?"

"Oo nga ehh. Pero wala naman akong pakelam sa kanila. Galit sa akin yung dalawang yun." Sabi ko na lang.

"Hindi naman siguro. Drake i have to go na din. I just bought something for our dinner baka gutom na yung dalawa."

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon