Dedic to @ -frazer-
Thank you 😉😉--
Daven's PoV
Nasaan nga kaya si Drake?? Bakit kahit sa akin wala syang sinabi??
I dial the number of Badj.
"Hello."
"What's up erp?" Full energy nya pang sagot. May hang over pa ata ng happiness nya nung proposal.
"Seryosong tanong ah. May nasabi ba sayo si Drake kung nasaan sya ngayon?" Seryosong tanong ko.
"Wala, erp. Nagtatampo nga ako nung hindi sya nagpunta sa proposal ko. Dapat present sya kasi sya ang bestman ko tapos inindian lang ako." Sagot nya naman. Mukhang wala din syang idea.
Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin si Mommy at Daddy, panigurado magpapanick sila.
Bakit ba kasi umalis yung lalaking yun? Nakakaselos tuloy yung concern ni Courtney sa kanya.
Tsk. Kaka-isip ko kung nasaan na sya. Nawala tuloy sa isip ko na out na pala ni Courtney. Nagmamadali akong magdrive from office to mall.
"Tsk. Out na nya baka hindi na nya hintayin. Baka ma-misunderstood na naman yung pagkalate ko."
Nagpapark na ako nung makita kong palabas na ng store si Courtney. Kung pwede ko lang ibalagbag ko na lang ang parking nito eh.
Nagmamadali akong sinundan si Courtney kaso wala na sya sa paningin ko.
'ang bilis naman nun. Nasan na ba sya?'
Dumiretso ako sa transport terminal, sa wakas nakita ko din sya pero bigla na lang may tumumbang babae sa harapan ko.
"Miss." Nilapitan ko agad yung babae. Maiintindihan naman siguro ni Courtney itong situation na 'to.
Nagulat ako ng makitang si Scarlet pala ang babaeng nahimatay. Putlang putla na ang labi nya. Bubuhatin ko na sana sya kaso may nakita akong dugo sa pants nya.
Agad ko syang sinakay sa taxi, bahala na kung may nakapila pa. Emergency case naman ito.
'hijo, bilisan mo. Baka makunan ang misis mo.' I overheard from people around there.
Makunan?? Hindi naman ako ang mister nito.
Nagkaroon sya ng malay nung papunta na kami sa hospital.
"Buntis ka pala." Nasabi ko sa kanya.
"Wag ka muna maingay sa iba please." Sabi nya at uminda ng sakit
Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Minadali ko na lang si Kuya na magdrive.
"Si Dra. Santos ang OB ko, sa kanya mo ako dalhin. Please help me save my baby." Paki-usap nya sa akin.
Agad-agad kaming dumiretso sa clinic ng OB nya. Pinauna naman kami ng medical secretary nya dahil emergency case nga ito.
Pagdating namin doon, agad chineck ng doctora kung may heartbeat pa ang bata.
"We need to admit her, we need to check on her time to time. Medyo delikado ang case nya." Sabi ng doctor at agad naman pinasettle sa akin ang mga kailangan nya.
Lumabas ako ng clinic nya at agad na inasikaso ang nga kailangan nya.
Sino kaya ang ama ng pinagbubuntis nya??
Nagulat ako nung kasama na ni Scarlet sila Kai at Ney. Paano na 'to? Sasabihin ko ba sa kanila??
"We saw her nung ilabas sya sa clinic. We thought she was alone." Sabi ni Kai. Si Ney tahimik lang.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...