Keep your friends close and keep your enemies closer. 😏😏
--
Drake's PoV
Pagkahatid ko kila Courtney, agad ko naman na pinuntahan si Scarlet. Wala ng katok katok agad akong pumasok sa bahay na nirentahan ko.
"Hoy! Bakit mo sila kasama kanina? Ano mga sinabi mo sa kanila? At inoffer mo pa talaga kay Sam yung kabilang unit ha. Pano pag nalaman nila na buntis ka. Edi lagot na ako."
"Ang dami mo tanong. Hindi pa nga ako nakakasagot may susunod na tanong na agad. Tss."
"Ano ngang sinabi mo sa kanila?"
"Sinabi ko lang naman sa kanila na buntis ako, nangutang pa nga ako kay Sam dahil naglalaway talaga ako sa crispy pata. Alam mo ba na naubos ko yung isang pata. Saraaap!" Kwento nya pa with feelings.
Tss. The hell I care about that crispy pata.
"WHAAAAT?!! Anong sinabi mo sa kanila? Malamang nagtanong yung mga yun kung pano tayo nagkakilala at pano ka napadpad dito." Histerikal kong sabi sa kanya.
Jusko!! Magugunaw na ata mundo ko.
"Don't worry. Your secret is safe with me. I just tell them na kaya ako pumunta dito dahil siningil kita sa utang mo. And I'm staying here for good." Bigla nyang sabi ng nakangiti pa. Tss!
"For good? No! Hahanap kita ng lilipatan lalo na ngayon na dyan na sa kabilang unit titira si Sam."
"Hindi kita maintindihan. Bakit ba ayaw mo ako makipagkaibigan sa kanila? Ang saya ko nga nung ramdam ko na tanggap nila ako as one of them."
"Simple. Malalaman at malalaman ng magulang ko na nabuntis kita pag nagkataon. Lalo na na tropa din namin si Kuya."
"Hindi ko nga sabi sinabi na buntis ako."
"Sa tingin mo ba hindi nila mahahalata yan. Hindi ba lalaki yang tyan mo. Tss! Mag-isip ka naman."
"Nai-stress ako sayo. Umalis ka na nga lang." Pagtataboy nya sa akin.
"Sige. Please wag ka na makipagkita sa kanila."
Paalis na ako nang pinigilan nya ako.
"Teka. Allowance ko?" Tanong nya sa akin.
Oo binibigyan ko sya ng allowance kasi nga wala syang pera. Hayyys. At sabi nya obligasyon ko na daw sya ngayon. Kahit na hindi pa ganun ka-confirm.
Binigay ko naman ang hiningi nya. Infairness ah. Napaganda nya na agad yung bahay.
"Wait. Yung pambayad ko ng utang ko kay Sam."
"Utang?!"
"Yung pinambili ko ng crispy pata. And can I request for another one?" Paki-usap nya pa. "Kahit na ako na lang bumili sa mall. Para hindi ka na maistorbo." Dagdag nya pa.
Crispy pata? Sa katawan nyang yan, hindi mo akalain na kaya nyang umubos ng isa nun.
Binigyan ko sya ng pera at umalis na ako. Pero hindi naman ako ganun ka-heartless. Agad akong pumunta ng mall para bumili ng crispy pata nya. Sinamahan ko na din ng pang dinner nya.. I mean... Pagkain ng baby ko.
Bumalik agad ako at inabot sa kanya ang pinapabili nya.
"Ano to??" Tanong nya sa akin.
Hindi ko na lang sya sinagot at tumalikod and ready to go.
"Thank you Drake!!" Sabi nya habang nagtatalon pa. At napayakap pa mula sa likuran ko.
Napahinto naman ako sa ginawa nya. Pati din sya nung narealize nya yung ginawa nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30377057-288-k523126.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
DiversosHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...