siksti por

5 0 0
                                        


Dedic to... lhiranele

--

Scarlet's PoV

Siguro marami ng namumuhi sa akin ngayon?? Haha. Sorry mga te!! This is not intentional.

Kasalanan ko bang makita ako ni Daven habang hinahabol si Courtney. Ayaw ata kasi talaga magpautan kaya ang bilis-bilis lumakad. Tsk.

Hayy naku! I thought my situation will be easy. Akala ko kaya ko na wala si Drake. Nasaaaaan ba kasi yung lalaking yun?!!

Hindi man lang ako na-inform na aalis pala. Kahit man lang sana nag-iwan ng allowance eh. Okay na ako dun. Kahit naman wala sya kaya kong alagaan ang sarili ko at ang baby ko.

Pero eto na nga ehh... Nabuking na kami. Si Daven pa talaga. Sana si Sam na lang. Pero okay na din si Daven. Papable naman ehh.

Hayyy. I never thought na ganun sya kabait. Complete package na talaga sya. Pogi, matalino, mabait, matulungin. Lahat na ata nasa kanya. Masama ba kung mainlove ako sa kanya?? Lalo na ngayon na sya ang nag-aalaga sa akin.

Ang sarap pala ng feeling. Yung merong may concern sayo. Merong umaalalay sayo dahil baka hindi ko kaya. Hayyyy. Sana akin ka na lang. Sana ikaw na lang nakabuntis sa akin. Jackpot siguro ako.

"Thank you ha. Hindi mo naman na kailangang gawin 'to eh." Sabi ko pero deep inside go! Push mo lang.

"Ewan ko ba. I know I'm not the one who supposed to do this but there is something inside of me saying that I need to help you."  Lakas ng pakiramdam. Kadugo mo naman kasi yung nakadali sa akin eh. Eh kaso ayun iniwan ako sa ere.

Ilang araw din ako sa ospital. Lagi syang nandyan. Kahit na may rasyon naman sa ospital binibilihan nya pa din ako ng foods. He's always asking me if I am alright.

Ang sarap.

Ang sarap sa feeling na alagaan ka ng isang Daven James Bautista.

OA na kung OA.

I can't help falling.

--

"Huy! Baka matunaw naman ako nyan." Sabi nya sa akin.

"Ah---ahhh. Kapal din ng fes noh?" Yun na lang nasabi ko.

Natawa naman sya.

*Blag

Yung pinto ng unit ko. Bigla na lang binalibag ni Sam. Nagmamadali din syang puntahan si Daven na naudlot ang pagkain.

Sinapak ni Sam ng pagkalakas-lakas si Daven hanggang sa mapunta sya sa sahig.

Kasunod naman nya si Courtney na umaawat. I don't know what to do?

"Sam,stop!!"

Pero hindi pa din mapigilan si Sam. Hanggang sa ako na nag umawat. Hinarang ko ang sarili ko para lang hindi na masaktan si Daven.

Ngunit hindi pa din natinag si bakla. Kahit pala bakla ang lakas pa din nito. Tinulak nya ako hanggang sa mapasalampak din ako sa sahig.

"Ahh!" Pasigaw ko.

"Ano ba?? Ano bang problema mo?! Ako na lang saktan mo. Wag na si Scarlet!"

Kikiligin ba ako dun?? Pero... Mas matindi ang sakit na naramdaman ko.

"I told you to stop, Sam." Mahinang sabi ni Courtney.

"What?!!! Matapos ka saktan nitong lalaking 'to pipigilan mo pa akong suntukin man lang sya?!"

"Help! Ang sakit." Sabi ko dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit.

Agad naman pumunta sa akin si Daven, nang makita nyang may dugo sa short ko ay agad nya akong binuhat at tinakbo palabas.

Paglabas namin ay nabangga pa namin ang isang lalaki, mid-40 ang itsura. Familiar sya sa akin.

"Sharlotte?" Tanong nya nung makita nya ako.

Natigilan si Daven pero nung naalala nya ang kalagayan ko agad nya akong isinakay sa kotse nya.

"Sorry, sir. I'll explain later." Sabi nya pa.

Bakit?? Bakit ganun nya kausapin yung lalaki??

Bakit nya binanggit ang pangalan ni Mommy? Is he one of his friends?

--

"Mabuti na lang at umiinom ka na ng pampakapit. Medyo strong na din naman ang kapit ni baby. So nothing to worry about, Daddy." Pertaining to Daven.

Natawa naman ako. Sana nga sya na lang ang Daddy ng pinagbubuntis ko.

"Nakakatawa na si Mommy kaya I bet, she's okay already. Ingat na lang Mommy ahh. Doble ingat para walang masamang mangyari kay baby."

Lumabas na din kami sa clinic ni Doc. Inaasahan ko na nasa labas si Sam at Courtney.

Pero wala sila.

"Bakit kaya naging ganun si Sam?? Diba magkaibigan naman kayo?"

"Baka akala nya sinaktan ko si Courtney. Kaya ganun na lang siguro ang galit nya sa akin." Malungkot na sabi nya.

Nalungkot naman ako. Malungkot kasi sya.

"I'm sorry." Tanging nasabi ko. Hindi ko kasi masabi na pwede nya na itigil ang kabutihang ginagawa nya sa akin. Ang sarap kasi sa feeling.

"Wala ka namang kasalanan ehh."

Sana.

Sana ako na lang ang minahal mo.

Sana ako na lang si Courtney.

Ang saya siguro ng buhay nya. Kumpleto at masaya ang pamilya nya. May mga tunay na kaibigan sya. Maraming nagmamahal sa kanya.

Samantalang sa akin....

WALA.

"Kaya mo na ba mag-isa?" Tanong ni Daven.

Kaya ko naman. Sanay naman ako kaso ngayon na pinaramdam mo sa akin na masarap ang may kasama parang ayoko na ulet maramdamang mag-isa.

"Hmmm... I'm a bit worried kasi... A--alam mo mo naman na nandyan lang sa kabilang unit si Sam baka sumugod ulet sya.." Sabi ko.

"Hindi naman siguro. Sa akin sya galit hindi ka nun idadamay. I just really need to talk to Courtney." Sabi nya.

💔

Courtney again.

"Sige. Ingat ka. Thank you for taking care of me." Sabi ko na lang.

"I'll be back if I have the chance. Ingat ka dito ah." Paalam nya.

Hindi ko mapigilang hindi mainggit sa kanya. Masama man pero sana hindi muna sila magkaayos para may oras pa din sa akin si Daven.

Selfish na kung selfish pero gusto ko ng ipagdamot si Daven kahit alam ko naman na hindi sya sa akin pero hindi din naman sya pag-aari ni Courtney.

--

Thank you for reading.  😉😉

Monamie
-sweetascandy15

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon