pipti tri

7 0 0
                                        

Kabado na ba kayo??

Hinga hinga muna mga beshie. 😉😉

--

Kai's PoV

"Si Ney yun. Si Mudrabels nakita daw nila baka hinahanap na ako nun. Anong gagawin natin Badjie?" Natataranta kong tanong dito sa lalakig 'to. Oo Badjie lang tawag ko sa kanya ngayon. Warla kami ehh. Tsk.

"Ano?! Teka nga. Wag ka ngang mai-stress dyan baka kung ano pa mangyari kay baby." Sagot nya.

Tignan mo nga ohh. Wala man lang maisip na solusyon. Tsk.

"Sayo pa lang stress na ako. Haay! Bahala ka na nga dyan. Basta ako aalis na. Pag tayo nakita ba dito ni mudra? Sasabihin mo na ba sa kanila? Ha!" Gigil na sabi ko.

"Kai naman eh. Just chill. It's not good for our baby. Kalma kaya ko 'tong gawaan ng paraan." Sabi nya.

Juskooo! Sa ganitong sitwasyon?? Kalma?? Gaaaahd. Naglakad na ako papalayo sa kumag na yun. Wala naman ata talaga akong mapapala dun?

"Couz, settled na ba bill ko dito? Kasi kung oo gogora na ako bago pa ako makita ni mudra." Tanong ko kay Ney sa kabilang linya.

"Karen!" Tawag sa akin.

Alam ko si Mama 'to. Haaay.

"Ma." sagot ko na lang. Na-sight ko din na andun na si Badjie.

"Ano nangyari sa'yo? Sabi ni Aling Maring, nagmamadali daw na dalhin ka dito. Okay lang ba ang baby ko?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko?

Ang baby ng Mama ko magkakaroon na din ng baby. Nakakakonsensya na itong matinding pinagdadaanan ko, hindi ko masabi sa mommy bestfriend ko. Pano ko sasabihin? Ang akala nyang mabait na anak ay minsan palang naging pilya kaya ganito ang kinahinatnan ko. Ang masakit pa. Hindi ko alam kung kaya ba akong panindigan ng lalaking kumag na 'to.

Bakit ba hindi ako nakinig sa mga payo nila mama? Ang tanga-tanga ko kasi. Mas pinairal ko kasi ang puso kesa utak.

Hindi ko namalayan na pumapatak na ang luha ko.

"Bakit baby? May problema ba?" Tanong pa ni Mama.

Nakita ko na din sila Courtney na nasa likod na ni Mommy.

"Wala mommy. Na-touch lang po ako. Ang dami nyo po kasing nagmamahal sa akin. Pinuntahan nyo pa po ako dito para i-check. I love you Ma." Sagot ko na lang pero gustong-gusto ko na sabihin kay Mama.

"Oo naman baby. Mahal na mahal ka namin. Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong ulet ni Mama.

Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba o hindi. Pag nalaman nila malamang wala ng kawala si Badjie. Shotgun marriage na mangyayari sa amin. Haha. E pano naman kung mangbabae 'to someday? Pano kung mahilig talaga sya mambuntis tapos mang-iiwan sa ere. Hindi ko gusto magkaroon ng kahati.

"I'm fine na, Ma. Overfatigue lang daw. Napagod lang po siguro ako dahil sa fiesta. Kinarir ko po kasi yung mga palaro eh. Pahinga lang daw po ako. Bawal daw ako utusan sabi ng doctor." Sabi ko sabay tawa pa. Natawa din sila Ney sa sinabi ko.

"Tsk. Nasaan ba yung doctor na yun? Binigyan pa ng excuse 'tong anak ko." Pabiro naman sabi ni Mama.

"Tara na. Juwe na tayo. Hindi pa ako nakakalafang ehh." Sabi naman ni Sam.

--

Dumiretso na kami sa bahay. Lumafang na sila doon. Ako pinagpahinga na nila. Pero hindi pa din talaga mapahinga ang utak ko.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon