eyti payb

16 2 0
                                    

Maganda daw syaaaa??? lhiranele ??? Saaaaaan???

---

D R A K E ' S  P O V

Halos buhatin ko sya sa sobrang tuwa ko na sinagot nya ng 'Yes' ang proposal ko. Magiging asawa ko sya.

"I love you so much Cupcake." Sabi ko sa kanya at hinalikan na sya sa labi.

"Tama na. May bukas pa." Sabi nya sa akin.

Hindi ko talaga akalain na darating ang araw na ito. Pinagmamasdan ko sya habang kinakain ang mga dala ni Badj.

"Uyy baka matunaw naman ako nyan! Kumain ka nga din." Sabi pa nya.

"I'm just really overwhelmed." Sabi ko at sinabayan ko na din sya kumain. Napakasarap ng hinanda nya para sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Pinagmamasdan ko pa ang singsing na nakasuot sa daliri nya. Saktong-sakto sa kanya.

"Tara. Let's have a date." Yaya ko sa kanya.

"Pano ang resto bukas??" Tanong nya naman.

"Napaka-workaholic mo naman. Bayaan mo na lang yun.." sabi ko.

Pero ang totoo ay handa akong tuluyang bitawan ang negosyo ko makasama ko lang sya.

Oo. Kahit lahat ng kayamanan nila Mommy ay handa kong i-sakripisyo.

Ang totoo ay ayaw sa kanya ni Mommy, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Samantalang dati, ay medyo okay naman sa kanya si Ney. Ano ba ang nangyari noong panahong wala ako?

Gusto nya ay hiwalayan ko na si Courtney kaya inilayo nya ako pero nagpumilit ako umuwi. Tumakas ako sa kanila para kay Courtney. Handa akong takasan ang masagana kong buhay para sa kanya.

Nalungkot ako sa isiping iyon. Ayoko sana na iwan sila Mommy at Daddy pero... Hindi ko din kaya mawala si Courtney. Kung kailan naman nakamit ko na ang pangarap ko ay saka naman nila ako papalayuin.

"Huy!" Pukaw pansin sa akin ni Ney.

"Ahh--sorry." Sagot ko.

"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong nya sa akin.

"Ahh... Ku-kung saan ba kita idedate... Ahh... Ano bang date ang gusto mo? You want to go to beach?? You want to go out of the country?? Disneyland??" Tanong ko sa kanya.

"Grabe naman yun. Hmmmm... Makasama lang kita ay ayos na ako. Namiss kasi kita." Malambing na sabi nya at lumapit pa sa akin para yakapin ako.

Owww my heart. ❤️❤️❤️❤️

Hindi agad ako nakakibo sa sinabi nya. Tae!! Kinikilig ako ng sobraaaa. Kung hindi lang nakakakabakla ang pagtili ginawa ko na.

"Hmmm. Let's go to Manila." Yaya ko sa kanya.

Agad kaming umalis. Ilang oras lang ay nasa Manila na kami dahil wala naman traffic ng ganitong oras. Nag-park ako sa tapat ng Manila Bay. Madilim ngunit kitang-kita pa din ang dagat dahil sa liwanag ng buwan.

Alam kong hindi magandang ideya ang pumunta sa Manila Bay ng ganoong oras. Madami-dami ang nakikita namin natutulog sa bangketa. Nakaka-awa ang kalagayan nila. Napa-isip tuloy ako.

"Pano kung maging ganyan ang buhay natin?? Tatanggapin mo pa din ba ako Cupcake?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi yaman mo ang minahal ko. Kahit na sardinas lang ang ipakain mo sa akin ay ayos lang..... basta lechon manok ang ipapakain mo sa magiging anak natin." Pabiro nya pang sagot.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon