Pak ganern
--
Daven's PoV
Hala nagalit na talaga sa amin si Courtney. Parang hindi ko yata kaya na galit sya.
Eto kasi si Drake eh, he hit my ego. Oo alam ko na ampon ako pero kailangan ba na ibroadcast pa sa maraming tao?
Oo, aminado ako na... Na nahihiya ako malaman ng ibang tao na ampon ako. Ampon lang ako. Nasaan ba ang tunay na magulang ko.
Pero wala eh. Kailangan ko na lang talagang tanggapin.
Nanatili akong nasa labas habang tinatanaw ang papalayong si Courtney. Daig ko pa nakipag LQ ah. Ganito pala feeling pag mahal mo talaga isang tao. Worried na worried ako.
"Alam mo para kang bata na iniwanan ng kababata nya na aalis na ng bansa for good." Sabi naman ng mayabang na katabi ko.
"This is all your fault. Ang ganda ganda na ng pagsasama namin kanina. Everything is fine. Tapos bigla ka na lang mambabadtrip. Wag ganun, bro. " sabi ko sa kanya. Kahit ang totoo eh gusto ko na sya bugbugin dahil sa ginawa nya.
"Everything is fine ba yun? Halos umusok nga ang ilong ni Courtney nung may lumapit na babae sayo. At inentertain mo pa talaga. Mismo sa harap nya. Hindi ko akalain na habulin din pala ang gaya mong nerdy." Pang-iinsulto pa nya.
"At least sa harap nya. Sa harap nya mismo ni-reject ko yung babae to prove that I really love her. Not like you feeling coolkid ang dami dami mong babae. Kala mo naman kinapogi mo yun. " Sabi ko.
"Hoy! Alam kong alam mo na si Courtney lang ang babaeng minahal ko. At gagawin ko lahat mahalin nya lang din ako. Kahit kalabanin pa kita. "
"Sya lang ang mahal mo?? O c'mon but you're flirting with any other girls. Kala mo ba gusto ni Courtney ang ganun? Siguro iniisip nya. Ang dumi dumi mo na."
Bigla na lang nya ako sinapak matapos ko sabihin yun. Dahilan ng pagdudugo ng labi ko.
Gumanti naman ako. Pero ang lakas lakas ni Drake. Sinusubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.
"Hoy! Hoy! Itigil nyo nga yan!" Sigaw ng babae na bigla na lang sumulpot sa likod namin.
Si Courtney.
Naku naman! Madadagdagan na naman ang kasalanan namin.
Tumayo na lang ako, at pinagpag ang damit ko.
"Ano na naman dahilan nyo at nagbubugbugan kayo sa harap ng school?" Tanong nya.
"Sabi naman sayo Ney, buti na lang lumabas agad tayo." Sabi naman ni Sam.
"Sorry." Sabay naming sabi ni Drake.
Nagkatinginan na naman kami ng matalim.
"Eh kasi yan si Kuya, napakapikon. Napaka-init ng ulo." Reklamo ni Drake.
"That's all your fault. You're the one who punch me first. " sabi ko habang pinupunasan ko pa din ang dugo na dumadaloy sa labi ko.
Napapikit at napahinga ng malalim na si Courtney. Naku! Sobrang puno na siguro sya sa amin.
"I'm sorry Ney. Wag ka na magalit please." Paki-usap ko.
"Naku! Naku! Bait baitan. Tsk." Sabi naman ni Drake. Kaya tinapunan sya ng masamang tingin sa kanya ni Courtney.
"Sorry na." Hingi din ng paumanhin ni Drake.
Hahaha takot din pala eh.
"Gawin mo na Couz. Hopeless case na ata sila eh." Suggestion naman ni Kai. Tumango na lang si Courtney.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
