sebenti tu

4 0 0
                                    


Dedic to... @yzahernandez

--

C O U R T N E Y ' S  P O V

~AFTER HOW MANY MONTHS ~

-Airport-

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Heto na ulet ang traffic, usok, ingay etc. etc.

Mag-isa kong tinatahak ang daan papuntang arrival area. Oo mag-isa ako dahil mas nauna na umuwi sa akin si Drake. May aasikasuhin daw sya at wag ko daw sabihin sa pamilya nya kung nasaan sya.

"Couz!!!" Rinig kong sigaw ni Kai sa malayo pa lang. At talaga namang may banner pa. Hahaha kala mo talaga OFW ako.

"Ayy ang taray ni Bakla. Pumuti sa bansang Tsina." Bati naman sa akin
ni Sam.

Agad ko naman sinalubong ang mga yakap nila.

Syempre nandun din ang Mama ko na agad ko din niyakap.

"Namiss ko kayo." Sabi ko sa kanila na maluha-luha pa.

"Haha grabe naman 'to si Beks. Wala pa yung kalahating taon." Sabi ni Sam.

"Syempre naman mahirap naman na mag-isa ka lang. Walang nag-aalaga sa'yo. Namiss ka din namin Couz." At niyakap ulet ako. Doon ko napansin na malaki na talaga ang tyan nya.

"Helloo baby. How are you there inside? Ninang is here na." Sabi ko sa tyan ni Kai. "Ang laki-laki na ng babybump mo Couz." Bati ko pa.

"Ma. Nasan si Papa? Bakit hindi sumama?" Tanong ko naman kay Mama.

Ngumiti na lang sya at sinabing "Pumasok kasi sya sa trabaho eh."

"Tara na. Kain na muna tayo. Namiss ko kumain ng pagkaing Pinoy. Puro pagkaing chekwa kinakain ko dun eh." Sabi ko naman.

At kumain nga kami sa pinakasikat na mall na malapit sa airport.

"Wala pa ding tatalo sa ganda ng Pinas." Sabi ko pa.

"Mukhang tuwang-tuwa ka nga sa mga pictures mo dun sa China eh." Sabi ni Beks.

"Akala mo lang. Hindi masaya dun dahil hindi ko naman kayo kasama." Pangbobola ko pa sa kanya.

"Wala ka bang nakilalang boylet dun? Yung mala dao ming shi, Xi Men, Hua Ze Lei at Mei Zuo?" Tanong ni Kai.

"Haha wala." Matipid n sagot ko. Ang sama ng tingin sa akin ni Mama hahaha.

"🎶Oh baby baby baby. Wala kang baby.🎶" Kanta pa ni Sam na naririnig ko madalas sa tiktok.

"Bastos ka din Beks noh?" Sagot ko.

"Wooops nasaktan ata. I'm so sowrry." Pang-aasar pa ni Sam.

"Woooh as if naman, ang sabihin mo pa hoping ka pa din kay Courtney." Pang-aasar din ni Kai.

"Ay nako. Talaga kayo. Puro kayo lablayp." Sabi ni Mama.

Gumala-gala muna kami bago kami umuwi ng Laguna.

Gabi na nung makarating kami sa Laguna.

"Nagugutom ako Couz. Bibili lang muna ako ng siopao dyan sa convenience store sa kanto." Sabi ni Kai.

"Sama ako." Sabay pa naming sabi ni Sam.

Agad kaming bumaba. Namiss ko din ang mga pagkain dun kaya plano kong bumili talaga.

"Nakakamiss din na ganito tayo noh?" Sabi ni Sam.

"Oo nga. Yung all girls tayo." Sabi naman ni Kai.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon