------*****--------
Daven's POVNakarating na kami sa subdivision, nagpupumilit si Courtney na dun na lang sa kanto ko sya ihatid.
"Dun na sa bahay nyo, tutal nakakotse na naman tayo. At saka medyo late na baka kailangan ko din magexplain sa parents mo. If ever, na pagalitan ka nila."
Tumango na lang sya. Nagdire-diretso ako ng pagmamaneho. Tinigil ko na sa tapat ng bahay nila.
Nagtataka ako, kung bakit di pa sya nababa. Nanaginip na siguro, pero kanina lang kausap ko pa sya.
"Bakit mo tinigil dito?" Tanong nya.
HA? Ehh di ba bahay na nila 'to? Dito ko sila hinatid ehh hindi ko makakalimutan yun dahil tinandaan ko talaga.
"Diba dito house nyo?" Tanong ko na lang sa kanya.
Tumawa muna sya, hindi naman ganun kalakas. Halata mo talaga na mahinhin sya.
"Hindi dito bahay ko. Kila Couz yan." Sagot nya.
Toinks! Yung tinandaan ko palang bahay hindi nila bahay. EPIC FAIL. T__T
"Sige, turo mo na lang sa 'kin bahay nyo." Sagot ko na lang. Para hindi obvious na tinandaan ko talaga yung pinaghatiran ko sa kanila.
Mga 2 streets din bago kami nakarating sa kanila, mas malaki yung bahay nila kesa sa natandaan kong bahay.
Naghihintay na ang Mama nya sa labas ng bahay. Naku! Mukhang lagot ako nito. Sana makinig sa paliwanag ko.
Hindi nagsasalita Mama nya, nakatingin lang sa amin ni Courtney.
"Good afternoon po." Bati ko sa Mama nya.
"Good evening na." Pasupladang sagot ng Mama nya.
6:30 na pala. Hindi ko napansin, 6:30 pa lang pero ganun na sya pagalitan.
"Ma naman, bumabati ng maganda yung tao ehh. Chill ka lang Ma."paglalambing naman ni Courtney.
galing din mambola ehh hahaha :D"Kala mo ba di kita inaalala. Kanina ka pa dapat andito sa bahay tapos ngayon ka lang dumating." Sabi ng Mama nya halata naman na concern na concern sya kay Ney.
"Aahh.. Tita pasensya na po kung ngayon lang nakauwi si Courtney. Kinailangan po kasi namin sya dahil isinugod po namin sa ospital yung kapatid ko." Sabi ko.
"Aahhh ganun ba? Kaya pala. Sa susunod kasi magtext ka Courtney, kaya nga may cellphone ka ehh. Anyway, pasok ka muna hijo." Sabi naman ng Mama niya. Mabait naman pala.
"Aahh thank you po Tita. Pero I need to go na baka po kasi kailangan na po ako sa ospital." Sabi ko na lang. Gustuhin ko man na mag-stay baka naman Mommy ko naman ang magalit.
Pagbalik ko sa Ospital, Nakahalukip-kipkip si Mommy at mukhang badtrip.
"Sorry Ma. Ngayon lang nakabalik." Sabi ko na lang dahil baka kanina nya pa ako hinihintay.
"Sino yung babaeng yun? Girlfriend ba yun ni Drake?" Tanong ni Mommy.
Hala sya! Kaya pala mainit ang ulo. Akala may girlfriend na ang baby nya.
"Mom, hindi nya girlfriend yun. Actually, hindi nga sila magkasundo ni Courtney. Lagi kasing inaasar ni Drake. Pinilit ko nga lang po sya samahan kami dito ehh." Sagot ko.
"Ehh bakit lagi nya sinasabi yung pangalan ng babaeng yun?" Tanong ni Mommy.
"Ewan ko mommy. Baka naman may gusto yang si Drake kay Courtney." Sagot ko na lang. Kunyari hindi ko alam na obsessed si Drake kay Courtney.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
DiversosHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...