🍬frutos
---
D R A K E ' S P O V
Ang saya tignan nung magkapatid nung gender reveal party nila Kai at Scar.
"Salamat erp. Dahil sa'yo naging posible 'tong event na 'to." Sabi sa akin ni Badj.
"Wala yun. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin. Pero nakalista yun pre." Sabi ko sa kanya. Hahaha kuripot na ako ngayon.
"Sus! If I know, pinautang mo ako dahil para din sa baby shower ni mmmm. Alam mo na. Hahaha." Pang-aasar nya pa. Kulang na lang salaksakin ko sya ng shanghai na hawak-hawak ko.
"Manahimik ka. Wag ka na lang magbayad. Mambablackmail ka pa eh." Sabi ko sa kanya.
"Hahaha regalo mo na lang yun sa inaanak mo." Sabi pa ni Badj.
"Hahaha. Babae talaga eh noh? Pambayad utang sa mga babaeng niloko mo dati?" Pang-aasar ko pa.
"Wow ha. Lalaki naman sayo. Swerte yan sa chinese." Sabi pa nya.
Sinalpakan ko naman sya ng isang buong cupcake para manahimik sya.
"Apwaka shweet mwo pware." Sabi nya pa habang nginunguyang pilit ang cupcake.
Lumapit naman sa akin si Scarlet.
"Salamat sa paparty na 'to ah." Sabi nya sa akin.
"Walang-anuman." Sabi ko sa kanya.
Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata pero parang tuwa na hindi sagad sa kanyang mga mata.
Nakita ko din si Courtney na tuwang-tuwa din sa mga nakuhang regalo ng dalawang babaeng malapit sa kanya. Oo, hindi ko akalain na magkakasundo sila ni Scarlet. Sya na ang sumasama dito lalo na pag may check-up.
--
K I N A B U K A S A N
Monthsary namin. Yieehh. Kilig kilig na naman ako. ❤️_❤️
Ang tagal kong pinag-isipan kung paano ko sya susurpresahin. Syempre hindi mawawala ang bouquet of flowers at sangkatutak na chocolate. Favorite nya yun eh. May bouquet din ng fries. Bouquet of streetfood mga isaw, betamax at adidas. Kadiri pero gustung-gusto nya kainin yun. Kung pwede ko lang ibouquet ang tacos and nachos malamang ginawa ko na din. Syempre binilihan ko din sya ng sing laki nyang hello kitty at daniel para parang kaming dalawa yun.
Madaling araw na andito pa din ako sa restaurant para ayusin ang isa sa mga function room namin. Syempre may mga balloons. May mga flower petals sa sahig. May romantic set-up. Ako pa ba? Ang korni pero para naman sa babaeng pinakamamahal ko.
"OMG! You did this?" Tanong nya sa akin. Kitang-kita sa mga mata nya ang pagkamangha.
"Yes ofcourse. Para sa pinakamamahal kong babae." Sabi ko.
"Talagang gumastos ka pa talaga. Eh alam ko naman na napakakuripot mong tao." Sabi pa nya.
"Para sa'yo kaya kong maging pinaka-galante tao sa buong mundo." Sabi ko.
Niyakap nya naman ako at sakto naman na tumugtog ng sweet.
🎶I don't know what it is that you've done to me.
And it cause me to act in such a crazy way
Resistance down when you're around prides fadin'
In my condition I don't want to be alone.(c) weak by michael pangilinan
"Mahal mo na ba talaga ako cupcake?" Tanong ko sa kanya.
"Mukha pa bang hindi? Kung dati gusto ko mahulog ka sa bangin, ngayon sing-lalim na ng bangin ang damdamin ko sa'yo." Sabi nya.
Yiiiehhh ❤️___❤️
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...