So baby pull me closer 😛
--
Scarlet's PoV
"Ano bes? Anong result?" Tanong ng kaibigan ko.
Imbes na sumagot ako. Tumulo na agad ang luha sa mga mata ko at nagsimula ng humagulgol.
"I don't know how will I tell this to Lolo." Sabi ko.
Sobrang istrikto kasi ni Lolo ultimo sa damit at kilos. Pano pa kaya pag nalaman nya na buntis ako. And worst, wala pa akong boyfriend ngayon. Paktay na talaga.
"Naku problema nga yan. Hindi ko naman ma-offer sayo na dun ka muna sa amin. You know naman diba? We're not rich like you. Baka makasama pa sayo yung surrounding sa amin, alam ko naman sa depressed area lang kami nakatira." Paliwanag nya pa.
--
"You're such a disgrace to this family. Manang-mana ka sa Nanay mo." Sigaw sa akin ni Lolo.
HISTORY REPEATS ITSELF.
Oo. Anak ako sa pagkakamali. Unfortunately, my mom died after giving birth. Yung Daddy ko naman hindi ko nakilala. Ang alam ko lang pangalan nya. Kinuwento lang nung katulong namin dati.
Siguro mabait ang pamilya nila Daddy unlike this family. Tss. Lagi na lang galit. Ako na lang lagi nakikita.
That's the reason why I don't wanna stay here. Mas mabuti pa na ibang tao nakakasalamuha ko kesa sa nandito nga ako sa pamamahay namin pero hindi naman kapamilya ang trato sa akin.
"Siguraduhin mo lang na papanagutan ka ng boyfriend mo." Sabi ni Lolo.
Eh paano na ako nito? Wala naman akong boyfriend ngayon. At sa kasamaang palad may pinalit na agad sa akin ang walanghiya kong ex. I just f*cked with a random guy at the bar. I don't even know where he lives. The only thing I know about him is his name.
DRAKE
Kinagabihan pumunta ako sa bar, tumambay muna ako dun hanggang sa may dumating na mga tropa ni 'Drake'.
"Hi." Bati ko sa kanila.
"Oh hi! How are you? You want drinks?" Tanong sa akin ni Mark.
"No thanks. I just want to ask what is the contact number of Drake?" Tanong ko sa kanila.
"Oh!!! Mukhang tinamaan ka sa kaibigan ko ah." Sagot nya habang nag-iiscroll sa phonebook nya.
Tinamaan ng lintik. Kung hindi lang dahil sa batang nasa sinapupunan ko eh di sana hindi ko sya hinahanap ngayon. I don't even know his attitude. Malamang he's just a typical f*ck boy
"Wala pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ayy naku! Hindi ata ito yung gamit nyang number pero kunin mo na din." Sinabi nya nga ang number.
"San ba sya nakatira?" Tanong ko pa. Arrrgh! I look frustrated.
"Dyan lang sya sa condo nakatira noong hindi pa kami graduate. Ang balita ko, umuwi na daw sila sa probinsya nila. Andun ata yung ima-manage nyang negosyo. Alam mo ba na one of the richest pala ang family nya sa lugar nila. " Kwento nya pa.
"Can I have his address? Pati na din yung establishment nila. Please." Pagmamakaawa ko pa.
Tama pa ba 'tong ginagawa ko?? Gosh! Parang nakakahiya na.
Binigay naman ni Mark. Pagkatapos nya ibigay ay iniwan ko na sya. Umalis na ako sa bar na yun. Baka kasi makasama kay baby pag nag-stay pa ako dun.
--
"Bes, I don't know what will I do? What if i-deny nya 'tong baby ko?" Tanong ko.
"Bes kasi naman bakit ka ba kasi nakipagchukchakchenes sa lalaking kakakilala mo pa lang?"
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
CasualeHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
