Drake's PoVPagkauwi na pagkauwi nya. Sinundan ko na agad sya ngunit kasabay niya si Sam. Kaya maingat ako.
"Nakaka-inis talaga 'tong babaeng 'to ehh. Gusto nya ata na mabuking agad ako eh."
Ganun din naman ehh. Pinapatagal ko lang din. I hate this.
"Oh dito ka din pala. Dyan lang ako sa dulo ehh. Neighbors pala tayo bakla." Sabi ni Sam sa kanya.
Tsk. Badtrip! Alam na ni Sam ang bahay nya. Pano kung malaman nya panigurado sasabihin nya agad kay Courtney. Patay na talaga ako nito.
Pagkapasok ni Sam agad na akong pumunta sa unit ni Scarlet.
"Hindi ka ba talaga iiwas sa mga kaibigan ko??!" Sigaw na sabi ko.
"Haayy. Paulit-ulit naman! Hindi mo ba naintindihan nakasalubong ko lang si Sam. Buti nga at sya ang nakasalubong ko nung hinimatay ulet ako. Eh pano kung ibang tao??" Sabi ni Scarlet.
"Edi mas okay." Sagot ko.
"Mas okay? Are you sure enough that they will help me? Or take advantage of me?" Tanong nya sa akin.
May ganung klaseng tao ba?? Tsk.
"Ah basta. Lumayo ka muna sa kanila."
*Tok tok tok
"May ineexpect ka bang bisita?" Tanong ko.
"Wala. Baka si Sam." Casual na sabi nya at papunta na sa pinto.
"Hoy! Hoy! Teka." Pabulong kong sigaw. Alam nyo yun. Ah basta yun na yun.
Napatigil naman sya.
"Magtatago lang ako." Sinesyasan nya naman ako na go.
Sa ilalim ng lababo ako nagtago. Tsk. Kung hindi nya lang kapit-bahay si Sam edi sana hindi ako nagtatago ngayon.
"Ang shugal mo naman buksan. May kasama ka ba ditey?" Tanong ni Sam.
"Jon... Jon toms tuloy tom jones eh. Wala akong kasama dito." Sagot naman ni Let na muntikan pang mabuking tsk.
"Ahh... Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki eh. Siguro may boylet ka dito. Hindi ko naman aagawin eh."
"Tss. Wala talaga. Kung meron man bibigay ko na talaga sayo." Malakas pang sabi nya.
Tsk. Daming kuda. Ngalay na ako dito. Pano kung may mga daga pala dito.
"Aahh. Sabi mo tom jones ka, eto oh may pagkain pala ako sa bahay. Hindi ko naman mauubos."
Go na. Tsk. Ang tagal tagal pa ehh.
"Tara kain tayo. Samahan mo na ako." Sabi naman ni Let. Nang-aasar ba 'to?? Grrr.
"Sige ba." Pagpayag naman ni Sam.
Arrrggghhh. Ilang minuto pa ba!! Inaasar talaga ako nitong babaeng 'to eh.
Ilang segundo lang may mga naririnig na ako, sheeyyyt na malagkit. Daga yun ahh. Kadiri.
To:Scarlet
Ano? Ilang oras mo balak ikulong ako dito?Argggh at ang tagal nya din magreply. Kainis naman talaga oh.
From: Scarlet
Sam is still here. How can you go out there? Kung hindi ka ba naman kasi shunga, bakit dyan ka nagtago pwede naman na sa kwarto. HAHAHA 😁😁GRRRR! Nakuha nya pa talagang mang-asar. Hayyys.
To:Scarlet
If you can't get me out of here. I will stop taking care of you.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AléatoireHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...