So I want you to close your eyes
Sing to the world tonight.
Cause I know you're beautiful.---***---
Courtney's PoVPapatayin ata ako ng nagbigay ng bulaklak na ito. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko. Hehe haba talaga.
Tapos, nakasabay pa namin magdinner si Daven Mi Loves. Haaay! Heaven talaga. Best night ever.
Yung feeling mo Prinsesa ka tapos pinaghila ka pa ng upuan ng Prinsipe mo. Okay okay naghila din ng upuan si Sam ehh parehas naman kaming Prinsesa nun kaya okay lang siguro sa kanya. Haha.
Parang ayaw ko ng matapos yung gabi na yun, yung feeling ko na napakaclose na namin ni Daven. Kahit na dinner lang yun. At saka infairness, wala kami masyadong away ni Drake kagabi kaya medyo naging peaceful.
That feeling na may gusto din sa akin si Daven. Feeling lang naman. Assumera na kung assumera pero ganun talaga nararamdaman ko pero I know naman na hindi na pwede dahil almost perfect na nga sila ni Ate Christine. Sad lang. ︶︿︶
Eto naman si Couz at Drake feeling ko may something between them. Ewan ko kung enemy or turn to be good friends na. Though, good friends naman ata sila dati until I came in. Dun lang ata nagsimula ang pagiging mortal enemy namin.
Anyare? Nagcommunity service lang bumait na si Couz. Maganda pala nadudulot nun.
Pag-uwi namin sa dorm, nandun si Badjie sa lounge. Maingay kami nung una pero napatahimik kami nung nakita namin sya.
Meron kaming take-out na pagkain, dala yun ni Sam. Feeling ko may balak 'tong baklushing 'to ehh.
Umakyat na din kami sa kwarto namin, para makapagpahinga na din. Super pagod ehh.
Si Kai bagsak agad sa kama nya, ni hindi na nagpalit ng damit. Poor girl. Napagod sa outreach.
"Courtney." Tawag sa akin ni Sam.
"Ohh? Bakit?"
Sa labas kami nag-usap.
"I have a plan ehh. I'm planning to give this to Badjie." Sabi nya pertaining to the foods na tinake out namin.
"Eh di bigay mo na."
"Mas okay kung ikaw magbigay ehh, kunyari bigay ni Kai. Thanksgiving ba. Dahil sa pagtulong nya dun kay Kai sa snatcher."
Hmmm maganda naman yung motibo, pero para kaming kupido nito. Di kaya isipin ni Badjie na may gusto si Kai sa kanya.
Ginawa ko na lang, bumaba ako sa lounge. Hindi naman sya mukhang badtrip. Timing naman na commercial pa kaya go grab the opportunity girl.
"Hi Badjie." Bati ko na lang sa kanya sabay ngiti na din. Para hindi ako awayin. Hehe.
"Hello." Sagot naman nya. Pogi din naman 'tong si Badjie if ever na maging sila ni Couz okay na. Patuloy na ang magandang lahi hahaha. Chos!
"Aahhh I go straight to the point, I just wanna give this to you. Or should I say Kai want to give this to you. Alam mo na, sa pagkakaligtas mo sa kanya kanina." Sabi ko. Hindi ko lang bet na makausap pa sya ng mas matagal, at saka pagod na din naman ako.
"Aah o-okay. Pakisabi na lang Tha-thank you."sagot nya naman sa akin.
--
Kinabukasan, syempre hindi namin sinabi kay Kai yung ginawa namin kagabi.
Pagpasok namin, as usual andun yung mga breezy boys.
May papalapit na naman na bata na may dalang flowers.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AcakHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...