Naynti payb

15 4 1
                                        


dedic to Adgengg.

---

D R A K E ' S  P O V

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinusundan ko ang Papa nila sa palabas sa bakuran nila.

Naku po! Makikita ako ng mga kapit-bahay nila pag binugbog ako nito sa labas. Nakakahiya.

"Maupo ka." utos nya sa akin sabay turo sa upuan sa harap nya.

"o--okay po." hindi ko maitago ang kaba na nararamdaman ko. Halos manginig na din ang kamay ko sa sobrang kaba. Kaya itinago ko ito sa ilalim ng mesa.

"Ano ang pakay mo dito?" Tanong nya.

"Ahh-- da-dalawin ko po sana si Scar at si Botchok." sagot ko.

"Sila ba talaga? o si Courtney?" diretsahang tanong niya sa akin.

"O-opo. Ahhhmmm... pwede din po na dalawin ko sya?" wala sa sariling tanong ko.

"Hindi." Diretsahang sagot nya sa akin.

"Ahh--- o-okay po. Nagbabakasali lang naman po." palusot ko pa.

"Pinalaki namin ng maayos ang anak ko. Alam ko alam nya ang dapat nyang gawin. PERO kung nandyan na patuloy na mangungulit na gawing tama ang MALI naman talaga. Ay talaga naman!! makikita mo kung gaano ako katapang baka makita ko pa lang ang anino mo dyan sa gate ay paulanan na kita ng bala."  napalunok naman ako sa sinabi nya.

"Ah---eh.." sasagot na sana ako.

"Wala akong pakelam kung kaya ng magulang mo na magbayad ng magagaling na abogado. Tandaan mo. TALO KA." pananakot nya pa.

"O-Opo.pe-pero..."

"Walang pero-pero. Pwede kang pumunta dito kung tama ang gagawin mo. Pero kung ipagpipilitan mo pa na makipagbalikan kay Courtney balutin mo na ang katawan mo ng bullet proof na kasuotan." napalunok na naman ako sa sinabi nya.

Naglabas pa sya ng baril bagamat hindi yun kalakihan ay pinaputok nya iyon sa aking harapan at nanlaki talaga ang mata ko nung makita ko na natamaan nya ang lata ng sardinas na nakapatong sa kalayuan.

"Nagkaka-intindihan ba tayo?' tanong nya habang hinihinimas ang baril nya.

"Opo." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Maayos na ang pamilya namin. Taon din ang ginugol namin para hanapin si Courtney. Ayaw na namin mawala ulit sya sa amin dahil lang sa mga kalokohang pinaggagawa ninyo. Buo na ulit ang pamilya ko at ayoko na masira yun." sabi niya.

Tumango-tango naman ako.

Nakita ko naman na parating si Daven. Hindi ko alam kung paano sya haharapin. Nagtatampo pa din ako sa kanya.

Bantay salakay.

"Good morning po Tito." bati nya kay tito.

At ako??? Ano ako dito? Invisible??

"Mauopo ka din." utos din sa kanya ni Tito.

"Salamat po." sagot ni Daven sa kanya.

"Ikaw? Ano ang pakay mo dito?" tanong ni Tito sa kanya.

..

...

...

...

...

HAHAHAHA sige Tito sya naman ang gisahin mo.

"Dadalawin ko alng po sana si Courtney." sagot nya.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon