Be kind always.😉
Dedic to Lady_Aei ♥️
---
D A V E N ' S P O V
Masaya kaming magkakasama kasama ang buong barkada. Napagpasyahan kasi nila Scarlet at Kai na ipasyal ang dalawang bata.
"Ipasyal nyo naman ako sa Maynila, gusto ko makita yung Manila Bay." sabi naman ni Gela.
Napatingin naman ako sa kanya. Bakit nararamdaman ko na gusto nya ay sya lagi ang napapansin.
"Sige ba. Sa Manila na lang tayo pumunta. Punta tayo sa Manila Zoo para maraming makitang animals ang mga babies namin." sabi nya at magiliw pang tinignan ang dalawang bata.
"Wow naman. Maghahanda na ba kami ng gamit?" tanong naman ni Kai.
"Naku po! Sa sobrang bagal nyo maghanda ni Scar baka bukas na tayo makapunta sa Manila." sabi pa ni Drake.
Binato muna ng throw pillow si Drake bago nagsalita. "Eh kung tinutulungan mo kasi ako edi sana mas mapapadali diba?"
"Oo nga. Kayong dalawa ni Badj panay lang kayo pasarap eh." sagot naman ni Kai.
"O sya tara na, maghanda na tayo ng gamit para makaalis na agad. Mararatrat na naman tayo nito." sabi ni Badj at nagpauna na lumabas ng pinto nila Ney. "Kaya kung ako sayo Daven, wag ka muna mag-anak kung ayaw mo pa magpaalipin. Nakakapagod ng katawang lupa." dagdag pa nito bago umalis at sinundan naman ni Kai.
Nagtawanan naman kami.
"Ma, Pa? Sama po kayo?" tanong ni Ney sa magulang nya.
"Naku! Hindi na anak. Ang init ng panahon baka samaan lang ako ng katawan doon." sabi ni Papa.
Ay nakiki-Papa na?
"Sasamahan ko na lang ang Papa nyo dito." sabi naman ni Mama.
At naki-Mama din.
"Awww ang sweet naman po." sabi naman ni Gela.
"Ganyan talaga. Papasalubungan na lang namin kayo Mama. Ano po ba ang gusto nyo?" tanong ni Scar.
"Kahit naman ano. Basta ba galing sa inyo." sagot ni Mama.
Nag-umpisa na maghanda nila Drake at Scar ng mga gamit ni Botchok.
"Ikakarga ko na sa sasakyan 'tong stroller dahil hindi ko kakayanin ang bigat nyang batang yan pag nagpakarga." sabi pa ni Drake.
Nakakatuwa na nagpapakatatay na talaga sya kay Botchok. Masasabi ko na totoo ito at hindi nagpapakitang tao lamang dahil ginagawa nya ito kahit wala naman nagsasabi sa kanya. Nakakalungkot lang dahil kahit na lagi kami magkakasama ay hindi pa din sya pinapansin ni Courtney.
Kami??
Ayos na kami. Simula nung pinakilala nya si Botchok sa pamilya namin ay okay na kami. Pinansin nya na lang ako bigla at nagtuluy-tuloy na. Bumalik na ang dati naming samahan na tinuturing nya akong Kuya.
"Hoy! Kayong dalawang babae! maligo na kayo!!! Mas matagal pa kayo maligo kesa sa paghahanda namin ng gamit ng mga junakis namin." sigaw pa ni Scar na si Gela at Ney ang sinasabihan kaya nagmamadaling pumunta na sa banyo si Courtney.
Nagpaalam naman ako na uuwi muna para makapag-ayos na din bagamat mabilis naman ako kumilos, ang inaalala ko ay si Drake dahil madami pang pinapahid sa katawan bago matapos.
"Hey bro. Tara na din." yaya ko kay Drake.
"Mauna ka na Kuya." sigaw nya sa akin.
"Sabay ako." sabi naman sa akin ni Gela.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AléatoireHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
