tri

47 5 0
                                        

Vacation day ^___^

Courtney's POV

"Couz let's go out." Sabi ni Kai na mukhang bored na bored na.

"Mamaya na Couz, ang init-init ohh lalabas ka na. Kaya ka nangingitim ehh." Sabi ko sa kanya.

Nung hapon na kami lumabas. Tumambay muna kami sa clubhouse.

"Courtney, punta ka sa church mamayang gabi ha."

Sabi ni Aling Mareng.

"Bakit po? Ano meron sa church mamaya?" Tanong naman ni Kai.

"Meron kasi tayong outreach program, sali ka na din Gina." Sagot ni Aling Mareng.

"Karen po." Sabay pa naming sabi. At sa ka tumawa. Sanay na kami sa ganung biro.

Teka nga. May outreach program sa church so it means andun din si Mr. Angelic eyes. Kyaaah!! #^_^#

**

Gabi na kami nagpunta ni Kai. Andun din lahat ng bata sa lugar namin. -____-

Cathecism pala yung sinasabi ni Aling Mareng na program.

Tapos kami ni Kai na-assign bilang Assistant. Tapos yung mga choir yung teachers. Kasama kong choir si Kuya Mikey. At kasama din namin si Mona.

Juice Colored. Sorry for what I've done and what I have failed to do. Bakit si Mona pa yung ka-tandem namin. ╯︿╰

Buti pa si Kai ang swerte nya dahil si Mr. Angelic eyes yun nga lang may kasamang devil.

Medyo mabait pa naman si Mona ngayon, wala pang ginagawang kamalditahan.

Until...

"Kids, sinong mas maganda sa amin ni Ate Courtney?" Tanong nya sa mga bata.

T____T

Ano naman koneksyon nun sa lesson namin?

"Si Ate Mona."

Kfine. Alam ko di ako ganun kaganda pero heller maputi lang sya.

"Kids, all that God created is beautiful. Si Ate Courtney maganda sya, inside and out. Dahil tumutulong sya sa mga batang katulad nyo. Diba kids?" Sabi naman ni Kuya Mikey.

Wow naman. May tagapagtanggol pa naman pala ako. Thank you Lord. ^___^

"If I know, sinabi mo lang yun para isingit yang lesson mo. Look at her. Is she beautiful for you?" Bulong naman ni Mona kay Mikey. Ewan ko ba kung bulong yun ehh rinig ko naman.

"Oo nga po Kuya Mikey. Ang ganda nga po ni Ate Courtney. Kras ko na nga po sya ehh." Sabi nung isang bata.

Bata-bata pa. Talande na. Psh. Kras kras pang nalalaman. Ehh kanina nga sinigaw nya 'ate mona'.

"Tama. Okay Kids. Let's pray and let's eat." Sabi ni Mikey.

Eto naman si Mona lumapit sa akin.

"Assist mo na yang mga dugyuting batang yan. I know sanay na sanay kang pumila para sa free food na wala namang kalasa-lasa." Sabi nya sa akin.

"Grabe ka naman. Wala ka naman sigurong karapatang laitin yung bigay na pagkain dahil galing yan sa pera at effort ng mga taga dito. And maybe, they are gusgusin ngayon, pero pag lumaki yang mga yan baka mas mataas pa sayo." Sagot ko sa kanya.

Narinig naman yun ng mga nasa likod namin. Andun din si Aling Mareng na organizer ng program na ito.

"Oo nga naman. Mona dapat hindi mo minamaliit yang mga batang yan. Kaya nga tayo nagsagawa ng ganitong program para maramdaman nila na kahit kapos sila maramdaman nila na hindi sila iba sa atin. Masama yan Mona ha." Sabi ni Aling Mareng sa kanya.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon