S C A R L E T ' S P O V
Ang hirap makita si Courtney sa ganung sitwasyon. Madalas ko sya i-check. Madalas ko lang sya makitang nakatulala at mamasa-masa ang mga mata.
Simula nung tumawag si Tito ay hindi na muli ako nakatanggap ng tawag mula sa kanila. Hindi ko na din na pinilit na mangulit dahil baka nagdadalamhati din sila sa pagkawala ng anak nila.
"Sis kain ka muna." Sabi ko kay Ney matapos nilang bumalik mula sa playground.
Ang sakit ng nararamdaman nya. Hindi pa man kami masyadong matagal magkakilala ni Daven pero yung sakit na nararamdaman ko iba din. Sya din kasi yung unang tumulong sa akin noong mapadpad ako dito sa Laguna.
Wala din naman akong masabi sa kabaitan nyang taglay. Nalulungkot ako para kay Ney dahil hindi man lang nya nasabi na mahal nya yung tao. Life is too short. Buti na lang ako nasabi ko na kay Drake at hindi ko na yun pinagsisisihan.
"Wala akong gana." Sabi nya at dumiretso na sa kama at nahiga. Ilang oras ko din sya binantayan hanggang sa makatulog sya.
I'm sorry Sissy. Hindi ko alam kung paano papagaanin ang loob mo ngayon. Alam ko na napakahirap ng pinagdadaanan mo ngayon.
Kinabukasan.
Tinawagan kami ni Manang na nandun na daw sila sa chapel. Hinintay pa naming magising si Ney bago kami nagpunta doon.
Ito ang lakad namin na hindi ako na-eexcite. Parang ayoko na lang lumabas ng bahay. Ayoko na lang makita ulit ang barkadahan dahil alam ko na may kulang ng isa.
"Sana magising na tayo sa bangungot na ito." Sabi ko sa kanila.
Malapit na kami sa chapel pero iba ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako.
Habang papalapit kami sa chapel ay hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Halos lahat kami ay napatigil nang makita naming ang malaking tarpaulin sa labas ng chapel.
"ba—bakit?? Bakit mukha at pangalan ni Drake ang nasa tarp?" kakaba-kabang tanong ko.
Lahat kami ay nagtataka. Walang makasagot kahit isa sa kanila.
"Prank ba 'to?" tatawa-tawa ko pang tanong sa kanila.
Sana nga ay prank ito. Sana ito yung sinasabi nyang papakiligin nya ako higit pa sa ginawa nya kay Courtney.
Pagpasok namin sa chapel ay nakalagay doon sa pinto ang malaking portrait ni Drake. Habang naglalakad kami papasok sa loob hanggang sa makarating sa altar. Hindi ko maintindihan ang kaba ko.
"Ano ba ito?" tanong ko sa kanilang lahat.
Lahat sila nakatunganga lang sa akin.
"Sabihin nyo na prank lang 'to."
"Tita, Tito pati ba naman kayo sumasali sa kalokohan ni Drake?"
"Sis ano? Arte lang ba yung pa-emote mo kagabi?"
"Gela, Manang? Ano na nasan na si Drake?"
Nakatingin lang sila sa akin.
"Baka naman bulaklak pa ng patay ang ibigay sa akin ng Drake na yan?" tanong ko pa.
Ngunit nung tinignan ko sila Tita. Mas lalo nag-unahan ang mga luha sa mga mata nya. Maging si Tito ay umiiyak na din.
"Ano ba?" tanong ko. "Ang gagaling nyong umarte. Akala ko si Daven?" tanong ko pa.
"Malapit na ako maniwala. Lumabas ka na Drake!" sigaw ko.
Nanginginig na ang aking mga kamay. Yung kabog ng dibdib ko parang rinig na kahit nasa labas ng chapel.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
