wazz up!
____
D R A K E ' S P O V
Madali akong nakapunta kung nasaan si Ney. Hindi naman sa ano pero nag-alala lang naman ako. Napakashunga naman kasi nung waiter na nakatapon sa kanya ng iced tea.
Oo na. Nag-aalala pa din naman ako sa kanya. May puwang pa din sya sa puso ko kahit na nagpapakaresponsableng Tatay na ako kay Botchok ay hindi pa din nawawala ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi din naman biro ang pinagsamahan namin.
Naiinis ako dahil nakikita kong may aaligid-aligid sa kanyang lalaki noong nasa zoo kami. Okay na ako na kay Kuya sya mapunta pero yung may iba pang aaligid sa kanya. Ibang usapan na yun.
Nilapitan ko si Kuya at itinuro ang lalaki. Agad naman syang lumapit kay Ney at hindi na ito nilayuan pa.
Yan. Bantayan mo kasi para hindi makawala sa'yo. Naging sawi na ako ayoko na pati ang kapatid ko ay maging sawi. Masaya na ako na nakikita kong masaya si Ney.
Pauwi na sana kami pero eto namang si Gela tatanga-tanga na-sprain pa. At kay Kuya pa talaga sya nagpapabuhat. Ano na lang ang mararamdaman ni Ney. Kahit na sabihin pa nating magkaibigan sila ay hindi pa din naman talaga maiiwasan na magselos.
"Kuya, ito payong kapatid lang ha. Pag yan si Courtney nagselos kakabuhat mo kay Gela. Naku talaga. Hindi kita kakampihan. Mali yan. Pinapapaalala ko lang sayo." bulong ko kay Kuya.
"Maiintindihan ni Courtney yan. Alangan naman ikaw o kaya si Badj ang magbuhat sa kanya edi niratrat ako ni Kai." sagot ni Kuya. "Tulungan mo na lang kaya ako." suhestyon pa ni Kuya.
"Ayy nako. Wag mo ako idamay dyan." sabi ko na lang sa kanya at lumayo na.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...