Merry Christmas hohoho 🎄🎅
Dedicated to TheGreatSuperMon
---
C O U R T N E Y 'S P O V
Hindi ko maintindihan???
From the moment na dumating yung matanda. Pinaupo sila sa long table. Bakit kasama si Drake?? Bakit ako hindi??
Yun pala!! Yung pala ang dahilan!!!
"Paano nila nagawa sa akin yun?? Bakit pinaniwala nya ako na mahal nya ako kung meron naman palang relasyon ng kapatid ko?? Bakit pumayag naman si Scarlet? Bakit??? Bakit may proposal pa?? Ang daming bakit???"
Naglalakad na ako ngayon palabas ng subdivision. Mabuti na lang at wala masyadong tao. Yung luha ko ayaw tumigil sa pagpatak. Yung hikbi ko kasabay ng yapak ng mga paa ko.
"Aray!" Sabi nung ale.
"Pa-pasenya na po." Sabi ko.
"Oh hija? Bakit ka umiiyak?" Tanong nung ale.
"Wa-wala ho." Sagot ko.
"Courtney ikaw pala yan. Bakit?? Ano nangyari sayo?" Tanong nya sa akin.
Pag-angat ko ng tingin ko ay si Yaya Vaneng pala ang nabangga ko. Napayakap na lang ako sa kanya. Hinimas-himas naman nya ang likod ko.
"Saan ho ang punta nyo?" Tanong ko kay Yaya Vaneng ng napansin ko na may dala syang malalaking bag.
"Ahh... Uuwi ako sa probinsya. Buwan-buwan nauwi ako dun sa bundok." Sagot ni Yaya.
"Ahmmmm.. pwe-pwede ho ba akong sumama sa inyo?" Tanong ko.
"Ha??! Naku hija. Baka hanapin ka ng magulang mo. Baka hanapin ka ni Drake." Sagot nya.
"Hindi po. May malaki po kasi akong problema. Ikukuwento ko na lang po sa byahe." Sabi ko at hinila na pasakay ng taxi.
"Naku! Panigurado magagalit sa akin si Drake." Sabi ni Yaya.
"Ako po ang galit sa kanya. Malamang kahit po kayo ay magagalit sa kanya." Sabi ko.
"Bakit?"
"Sya po ang Daddy ni Botchok. Galit ako sa kanya. Galit ako kay Scarlet. Feeling ko ay pinaglaruan lang nila ang damdamin ko. Lahat na lang ay inagaw sa akin ni Scar."
"Ha?!" Gulat na sabi ni Yaya.
"Noong una, akala ko si Daven ang ama nung pinagbubuntis ni Scar. Nagparaya na ako noon. Tapos nung si Drake na ang minahal ko, ganun naman ang nangyari."
Napatakip ng bibig si Yaya sa sinabi ko. Matapos nun ay nakatulog na ako. Sobrang pagod na ang mata ko pero wala pa ding tigil ang pagpatak ng luha ko.
Tama na please.
Nagising na ako dahil sa lamig.
"Ang lamiig. Nasan na po tayo Yaya Vaneng?" Tanong ko.
"Ang haba ng tulog mo hija. Nasa Baguio na tayo."
Ooooh Baguio!! Sarap dito. Malamig.. kasing lamig ng nararamdaman ko.
Pinakain muna ako ni Yaya Vaneng sa isang sikat na restaurant dito sa Baguio bago kami bumyahe daw ulet.
"Ang sarap po dito." Sabi ko kay Yaya.
"Oo hija. Mura.pa dito."
Pagkatapos namin kumain ay bumayahe pa kami ng dalawang sakay ng jeep. Napakahabang byahe na pazigzag pa ang daan. Ang layo pa ng nilakad namin pauwi sa bahay nila. Napakaganda ng lugar nila. Liblib ito. May makikita kang bundok at sa bandang baba naman ay ilog. Hayyy. Ang ganda. Parang ang sarap mabuhay dito.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
