Bangon lang. ☝️
Dedic to TheGreatSuperMon
--
D A V E N ' S P O V
"Alam mo napapansin ko masyado na ata kayong sweet ni Courtney." sabi nya habang naglalakad kami pauwi.Hindi ako makasagot agad. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Okay na ba yang sprain mo?" pag-iiba ko ng usapan namin.
"Medyo sumasakit pa pero nakukuha naman sa pain reliever na ibinigay mo sa akin." sagot nya.
At muli naghari ang katahimikan mula sa amin.
"Sa tingin mo... ha-hanggang kailan kaya ang pagkukunyari nyo ni Courtney?" tanong nya sa akin.
Muli ay hindi agad ako nakasagot.
"hi-hindi ko din kasi alam eh." sagot ko.
"Alam mo ba sa tingin ko ay nagseselos si Drake kay Zac. Siguro pag okay na sila ni Scar ay magiging okay na din siguro tayo noh? Alam mo ba nasasabik ako na gawin mo sa akin ang ginagawa mo kay Ney. Yung sinusubuan mo sya ng pagkain. Yung pagiging protective mo sa kanya. Yung pagiging clingy mo sa kanya. Minsan kahit ako nacoconvince nyo na magkarelasyon kayo. Para kayong yung mga couple pictures na relationship goals."
"I'm sorry." tanging nasabi ko sa kanya.
"You don't have to say Sorry. Its a request. And i'm hoping." sabi nya.
Sakto naman na nandoon na kami sa bahay.
"Oh? Mukhang naka-inom ka Daven ah." bati sa akin ni Yaya Vaneng.
"Medyo lang po. May bisita po kasi si Ney." sagot ko kay Yaya.
"Oh ikaw? Baka naman napadami ka ng inom ha."tanong nya naman kay Gela.
"Hindi po, Ma." sabi nya at dumiretso na sa kwarto nila ni Yaya.Nanood muna ako ng TV sa salas. Iniintay ko si Drake dahil baka nagpang-abot sila nung Bagyong Lalaking yun.
Ilang minuto din bago sya dumating.
"Oh? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Nag-usap pa kasi kami ni Courtney."
"Ha?Anong pinag-usapan ninyo?" tanong ko.
"Selos ka naman agad eh." sabi nya pa na sinimangutan ko lang."Alam mo kahit ganun ay masaya na ako. Alam mo ba, hindi nya din feel yung Zac na yun." kwento nya pa.
"Talaga ba? Eh bakit parang aliw na aliw pa sila dun sa lalaking yun?" tanong ko pa.
"Sila Kai at Gela lang daw ang aliw dun sa lalaking yun. Ngayon lang daw kasi nila nakita na may nanligaw kay Scar. Sa sungit ba naman kasi nung babaeng yun." kwento nya pa.
"Ah talaga ba? Maganda din naman si Scar. Yun nga lang mas mukha syang mataray kesa kay Ney." sabi ko.
"Oo nga. Si Ney kasi angelic face samantalang si Scar parang demonyita." sabi pa nya.
Tinawanan ko lang sya.
"Mukhang may tama ka na nga talaga kay Scar."
"Bakit na naman?" protesta nya pa.
"Remember when you're a kid. Ganyan mo din kung asarin si Ney. Mas malala pa nga ngayon kay Scar eh. Feeling ko mas matindi ang tama mo kay Scar." sabi ko.
"Naku ha! Alam ko pinaubaya ko na sayo si Ney pero hindi ko naman sinabi sayo na i-push mo ako kay Scar." sagot nya.
"Hahahaha." tinawanan ko lang sya.Pero yung naririnig ko sa kanya na ipinaubaya nya na sa akin si Ney ay para bang gusto tumalon ng puso ko. Para bang malaya na ako pero may pumipigil pa rin sa akin.
"Tara na nga matulog na tayo." yaya nya sa akin.
Kinabukasan, bumaba na ako para maligo at kumain ng agahan dahil may pasok pa ako. Nagulat pa ako nung makita ko si Yaya Vaneng na halatang natataranta sa kusina.
"Good morning Yaya." bati ko pa sa kanya.
"Naku po! Kanina ka pa ba gising? Pasensya ka na kung ngayon pa lang ako nagluluto ha. Inaapoy kasi ng lagnat si Gela. Inasikaso ko muna."
"Ha? Bakit po kaya nagkalagnat yun. Ang akala ko po ay okay na sya kahapon." sabi ko at naglakad na ako papunta sa kwarto nila para na din i-check ko siya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
SonstigesHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...