eyti siks

9 2 0
                                    


Dedicated to @nonoland08

--

C O U R T N E Y ' S   P O V

Gustuhin ko man makasama pa si Drake ng mas matagal sa Manila kaso kailangan naman namin tulungan si Scarlet at Kai sa pagprepare ng binyag ng mga anak nila.

"Bilis ng panahon... Bibinyagan na aga ang mga bata." Sabi pa ni Drake habang nagmamaneho.

"Oo nga eh." Sabi nya.

"Daan muna tayong mall. Bibili ako ng pangregalo baka sabihin nila kuripot ako." Sabi nya pa.

"Hmmm. Sa divi na lang tayo punta." Yaya ko sa kanya.

"Sigurado kang doon mo gusto pumunta??" Tanong nya.

"Oo mura dun. Bibilihan ko din sila ng regalo don." Masaya ko pang sabi sa kanya.

"Delikado dun eh. Sa mall lang. Madami namang mall dito." Sabi nya.

"Iihh! Gusto ko dun. Isusumbong natin sila kay yorme pag ginawaan nila tayo ng masama." Pagbibiro ko pa.

Papasok pa lang ng divi ay reklamo na sya ng reklamo. Kesyo sobrang traffic. Ang sikip. Nagtengang kawali na lang ako.

Sa labas ko talaga sya dinala at hindi sa mga mall. Hahahaha. Mapawisan naman sya kahit papano.

"Napaka-init naman pala dito. Baskil na ako." Reklamo na naman nya.

Binilisan ko na din ang pamimili. Nasa party needs kasi kami para sa pandesign namin.

Matutuwa si Scarlet nito.

Naglakad-lakad pa kami ng kaunti at may nakita naman si Drake na bike shop.

"Eto bibilihin ko kay botchok." Sabi nya. At nagsabi na agad kay ate tindera."atsaka isa nung pink na kotse na may barbie." Sabi nya pa.

"Wow naman. Ang yaman ni serr. Bigyan ko po kayo ng discount." Sabi nung tindera na halata naman na nagpapacute kay Drake.

"Talaga ba? Ang bait naman ni ate.. magkano ba isa?" Sabi ni  at kinurot pa ang baba nung tindera.

Hahahaha natatawa ako sa kinikilos nya.

"3000 ang isa ng battery operated caf pero dahil pogi ka... 5000 na lang dalawa." Sabi ni ate.

"WOW!!! Ang bait naman ni ate. Salamat. Napakamura ng bigay nyo sa akin." Sabi pa nya at tuwang-tuwa na lumapit sa akin. "Tignan mo cupcake, ang ganda ng regalo ko  diba?? I got it for only 5k. Samantalang sa mall 8k each." Proud nya pang sabi na tila ba hindi ko naririnig ang usapan nila.

Habang naglalakad kami ay mukhang pinagsisisihan nya na ganun kalaki ang binili nyang regalo. Natatawa ako sa reaksyon niya habang bitbit nya ang dalawang kahong napakalaki.

"What's funny?" Naaasar na tanong nya.

"Cause you got the best gift for kids. Super effort naman ang ninong nila. Nakakatuwa. Picturan kita para maipakita ko sa kanila paglaki nila." Biro ko pa sa kanya.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon