WANHANDRED EYT
D A V E N ' S P O V
Nung dumating na si Mommy ay nakita ko na umalis na si Courtney.
"Bakit nyo naman po nasabi na ako na lang ang meron kayo? Marami pa kami Mommy nandyan pa si Kuya. Si Daddy. Sila Yaya. Nandyan din sila Scar at Botchok." Sabi ko.
"Ang Kuya mo alam mo naman na napakabusy nun. Hindi nga man lang sya nakauwi ngayon eh. Ang daddy mo naman alam mo naman na lagi sya may mission, I was never his priority. Mas pipiliin nya na magsilbi kaysa mag-stay sa tabi ko. Pinilit kong sundan ang kanyang propesyon pero ako na mismo ang sumusuko. Hindi ako kasinlakas ng Daddy mo, hindi ako kasing bayani nya kayang umakyat ng ilang bundok upang makapagsilbi sa mga tao. Ako, mag-isa na lang. Yung inaasahan ko na laging nasa tabi ko ay wala na. Kaya nakiki-usap ako sayo na wag kang aalis sa tabi ko."
"Opo, Mommy. Hinding-hindi ko po kayo iiwan." Sabi ko kay Mommy at niyakap sya.
Ako lang pala ang nag-iisip ng masama sa sarili ko. Napakasama ko na kahit sarili ko ay hindi ko mapagkakatiwalaan.
KINABUKASAN.
Maaga ako gumising para humingi sana ng tawad kay Courtney. Pero si Gela ang nakita ko sa salas. Umiiyak si Yaya Vaneng habang kausap sya.
"Ma naman. Kala mo naman ngayon lang tayo magkakahiwalay." Sabi nya kay Yaya habang naiyak.
"Eh kasi ngayon lang tayo nagkasama ng ganito katagal, umulit na naman ang pakiramdam na ayaw kitang iwan. Ngayon, baliktad na. Ayoko na iwan mo ako anak." Sabi ni Yaya.
"Bakit ka aalis?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita. Gulat naman silang napatingin sa akin.
Sa halip na sumagot ay yumuko lang si Gela at naglakad na papalabas ng bahay.
"Hoy! Kinakausap kita."
"Wala na daw sya lakas ng loob na magpakita pa sayo dahil sa nasabi nya kagabi." Sabi ni Yaya.
"Hindi ka ba man lang hihingi ng pasensya sa akin? Sa amin?" tanong ko sa kanya.
Tumigil sya at humarap sa akin.
"Patawad. Hindi ko dapat sinabi sa iyo yun. Siguro dahil sa galit ko kaya ko lang nasabi yun." Sabi nya at akmang aalis na din pero humarap ulit sya. "If you're thinking about our relationship?.. I'm breaking up with you." Sabi pa nya.
Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Yaya.
"Wag ka ng umalis." Pigil ko sa kanya.
"Aalis ka?" tanong ni Ney na nasa likod na pala namin kasama nya si Kai at mga bata.
Tumakbo naman papalapit si Gela kay Courtney at niyakap nya ito
"Mamimiss kita my new beshie."sabi pa nito at umiiyak na.
"Bakit ka kasi aalis? About last night?" tanong ni Ney.
"Oo. Wala na akong mukhang maihaharap sa inyo." Sabi pa ni Gela.
"Eh ano yan?" pang-aasar ko pa.
"Parang baliw to si Daven. Ano ba nangyari sa quarantine mo?" tanong ni Kai sa akin.
"Wala, hindi nya naman kailangan umalis. Naliwanagan na ako. Salamat sa isa dyan." Sabi ko sabay tingin kay Ney.
"Yieehh! Kikiligin na ba ako? Talo nyo pa Lizquen." Sabi ni Kai.
"Parang mga baliw 'to, wag ka ng umalis. Ngayon pa lang yung luha ni Yaya Vaneng ga-balde na lalo na pag umalis ka." Sabi ni Ney kay Gela.
"Nahihiya na ako sa inyo, lalo na kay Scar." Sabi ni Gela.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RastgeleHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
